Usap usapan ngayon ang pagbisita ng personal ni Angel Locsin
sa ILIGAN City, sa kasasagan ng maiinit na bakbakan sa Marawi nakuha pa ni
Angel na bumisita sa mga pamilyang apektado
ng giyera sa Mindanao at hindi
naging alintana sa aktres, nababalutan
man ng kaguluhan lakas loob na sinuong ng Aktres ang Iligan City na halos 2 oras lang ang biyahe sa kuta
ng kaguluhan. Bumisita ang aktres kasama ang grupo ng RMP Rural Missionaries of
the Philippines para personal na
dalawin ang mga pamilyang
apektado ng kaguluhan .bagay naman na hinangaan nang marami si Angel dahil sa
pagiging buo ng loob at kabaitan na ipinakita niya sa ating mga kababayan sa
Marawi .Nagbigay siya ng relief goods at school supplies sa evacuees center sa
Baloi, Lanao del Norte . Kungsabagay kung meron mang isang taong nakakakilala
kay Angel siyempre ang inyong lingkod dahil matagal tagal ko din naman
hinawakan ang kanyang publicity noong mga panahong kabisihan niya sa kabilang
istasyon . Bibihira nga lang sa kagaya ni Angel na artista ang nakakagawa ng
ganito na sa kabila ng kabisihan ay nabibigyan niya ng time na magpasaya sa mga
taong apektado ng ganitong kaguluhan , kaya naman hindi nakakapagtaka na
malapit ang blessing sa aktres dahil sa taglay nitong kabaitan sa kapwa . Sa
ngayon busy si Angel sa kanyang bagong serye na La Luna Sangre kasama of course
ang guwapong aktor n si Richard Gutierrez reunited sa nasabing serye ng ABS-CBN.
Blogger Comment
Facebook Comment