RAVEN CRUZ DI SUSUKO SA PANLILIGAW KAY JANINE G




Sa Interview ni Boy Abunda kay Raven Cruz last Thursday night sa programang Tonight with Boy Abunda  mariing intinanggi ng actor ang isyu na mag on na sila ng alaga ni Leo Dominguez na si Janine Gutierrez.  Pero aminado naman ang actor na talagang nililigawan niya ang dalaga ni Lotlot de leon  at inilarawan pa nito ang kung papaano siya manligaw sa dalaga.
“ Mas gusto yung kung sino talaga ko.. hindi ko minamadali kung sino yung nililigawan ko, halimbawa si Janine.. hindi ko siya mamadaliin o ipi pressure kasi …sobrang bisi din niya eh. “ ito ang entradang pahayag ni Reven about Janine sa interview ni Kuya Boy.
“May kanya kanya kaming trabaho , ang importante sa akin ngayon close kami at ngayon naging mas close pa kami at  pag may time lumalabas kami,  masaya kami na magkasama  sobrang mabait sobrang swak kami tito boy,”paliwanag pa ng guwapong aktor na very vocal sa pagsabi na si Janine ang sexiest woman para sa kanya.
Makikita mo talaga sa bakas ng mukha ng isang tao kapag inlove. Sa pananalita at kilos kasi ni Raven habang ini interview ni Kuya Boy sa mata  palang ng binata very obvious kung gaano kalahaga sa kanya si Janine , maging ang pamilya ng aktres na ayon sa actor wala daw umano siyang masabi sa kabaitan sa kanya ng parents ng kanyang nililigawan na si Lotlot at Moching .
“Kahit sino makakasundo ang magulang ni Janine sobrang bait nila . tapos sakto pa si Kuya monching na mahilig sa basketball ..yun kaagad ang napag uusapan naming.
“ Si Ate Lot naman, way way back pa parang hindi ko pa nakikilala si Janine naka work ko na siya  Spirit  mga anak anakan kami dun nila Maja.. noon pa lang close na kami.
“ Nung nagtayo sila ng restaurant sa Paranaque in invite niya ko tapos and that’s started anything.Happy lang ako tito boy na sobrang bait nila sa akin.
Nilinaw din ni Raven kay Kuya Boy ang tungkol sa isyu na umano’y paglipat ng actor sa ibang istasyon.

"Marami ding nakarating sa akin pero siyempre tinatawanan ko lang mga ganyan kasi hindi lang naman kasi ngayon marami nang ..kahit dati pa parang everytime na kung hindi nila ako napapanood  at feeling nila wala akong show ..ahhh iniisip nila agad na lilipat ako o ganyan o may mga tsismis na umalabas na lilipat ako lalo na ngayon na nali link ako kay Janine so, parang normal lang  hindi …hindi totoo!."pahayag pa ng akto
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment