ANG REBELASYON NI NATHALIE HART HINGGIL SA KANYANG PAGDADALANG TAO NG APAT NA BUWAN





NAGING very vocal at deretsahan sa pag amin ang aktres na si Nathalie Hart hinggil sa kanyang pagdadalang tao ng apat na buwan sa kanyang Indian boyfriend na si Mayank Sharma. Sa naging rebelasyon ng alaga ni Leo Dominguez ng LVD Management last May lang daw umano niya nalaman na siya ay pregnant. Minabuti raw ng aktres hindi muna magsalita tungkol sa kanyang kalagayan dahil ayaw umano niyang ma stress lalo pa nga’t kaliwat kanan ang kanyang commitment nung mga panahong yun.

“Nung wala na akong menstruation na worried na ako , medyo nag isip na ako nun baka buntis ako,”entradang sabi ni Nathalie sa aming panayam recently.

“The first day na na-miss ko yung period ko, I had a pregnancy test right away, and it was positive.Bumili ako ng sampung pregnancy tests! Ganun ako kaano.

“Lahat! Kasi parang I cannot believe, parang… tinray ko pa, nakakatuwa, I tried the 100 pesos, the 50 pesos, the 200 pesos, na maybe may problema lang.

“Naiisip ko, ‘Bakit kasi mura itong ginamit ko.”

So , ano ang naging first initial reaction ng 26 years old actress nang ma confirmed niyang positive na siya ay nagdadalang tao?

“I cried! Umiyak ako. Kasi hindi ako ready… I mean, ready ako kasi ikakasal naman ako ngayong December, pero hindi ako ready na…I was not ready to get pregnant kasi ang dami kong ginagawa ngayon.

“The whole time, nung nagsu-shoot ako ng Abay Babes, pregnant na ako non. Hindi lang ako nagsasalita. And then the whole time na nagte-taping ako for Blood Sisters at yung last shooting day namin ng Kusina Kings and yung movie namin ni Diether Ocampo, buntis na ako nun.

“Walang nakakaalam na mga tao. Sinasabi ko, bakit ko ipapaalam? Ipapaalam ko na lang pag buo na. Kasi kung first two months pa lang puwede pang… ngayon four months na ako, I’m okey, I’m happy.

“Happy naman ako sa relationship ko, sa life ko, sa career ko, parang nagkasabay-sabay. It’s just overwhelming for me. Excited din akong magka-baby. My God, hindi ko akalaing mabubuntis ako. Kala ko hindi rin ako… ayaw mag-concieve kasi I had problems in my system before, in my cervix,” kwento pa ng aktres.
Sa ganda ng takbo ng career ngayon ni Nathalie , marami ang naghihinayang na kung bakit naman sa kabila ng kaliwat kanang project ay ngayon pa siya nabuntis. Hindi ba iniisip ng aktres ang malaking panghihinayang na baka maudlot ang kanyang magandang takbo ng career?

“I have to stop working kasi by August, pang fifth month, sixth month na ako, wala na ring tatanggap sa akin na malaki yung tiyan ko. After siguro I give birth, if people are still interested with me magwo-work pa rin ako.

“Kasi right now hindi lang sarili ko iniisip ko ..yung anak ko at yung Bf ko. I don’t regret anything sa career ko sa nangyari sa akin ngayon. Basta happy ako to myself lalo na sa partner ko na very supportive sakin.

“I’m a proud to tell anybody na magiging mommy na ako , proud ako sa sarili ko .Never kong inisip na hindi ko ituloy ang aking pagbubuntis dahil sa career. I’m willing to give up everything alang alang sa magiging anak namin ni Mayank.

“Saka showbiz always there after kung manganak definitely babalik ako dahil may contract pa at 9 movies ang pinirmahan kong konterata,”nakangitng pahayag ng isa sa bida sa pelikulang “Kusina Kings”na ngayo’y pinipilahan sa mga sinihan around the Philippines.





Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment