KATRINA HALILI ANG NATATANGING PAGGANAP SA "MAGPAKAILANMAN" BILANG SI LOIDA NA DINAPUAN NANG SAKIT NA AVM!




Sino nga ba ang taong hindi nangarap sa buhay?Lahat tayo nangarap na maging maayos ang ating pamilya , makatapos ng pag aaral at magkaroon ng magandang trabaho ngunit paano na kung ang mga pangarap na ito'y biglang naglaho dahil sang isang insidente na hindi natin inaasahan.

Ngayog Sabado Dec 16 sa ganap na alas 8 ng gabi sa GMA 7 matutunghayan natin ang kwento ni LOIDA BAUTO na isang babaeng puno ng pangarap sa buhay ngunit nang dahil sa dinapuan siya ng karamdaman ang kanyang mga minimithi sa buhay naglahong parang bula dahil sa sakit na AVM congential disease na naging hadlang sa kayang mga pangarap.
Ang kwentong tatagos ating isipan at puso bilang Special Christmas Presentation ng programang "Magpakailanman" entitled " My Christmas Lullaby THe, Loida Bauto Story" .
Tampok ang aktres na si Katrina Halili bilang si Loida na haharapin ang mga pagsubok at patuloy na lalaban sa kanyang sakit na AVM. Si Archie played by Rodjun Cruz ang asawa ni Loida ang magsasakripisyo sa pag aalaga sa kanyang asawa at dito masusukat kung hanggang saan ang kakayahan ,sakripisyo at kayang gawin ni Archie sa ngalan mg pag asa, pagmamahal ,at pananampalataya na kayang magtiis at ibigay ang lahat alang alang sa may asawang may sakit na AVM (arteriovenous malformation) is a congenital disorder (one present at birth) of blood vessels in the brain, brainstem, or spinal cord that is characterized by a complex, tangled web of abnormal arteries and veins connected by one or more fistulas (abnormal communications).
Kaya ating tunghayan ang kanilang kwento na sa kabila ng sitwasyong kinakaharap hindi dun natatapos ang kanilang magandang samahan at pag iibigan .
"Dun po talaga masusukat kung hanggang saan po sakrispisyo nang nagmamahal sayo. Habang tini taping ko nga po ang kwento na ito ako yung nahihirapan ang bigat sa damdamin.. naiisip ko yung kalagayan nilang pareho. "
"Sana sa mga makakapanood mag marka sa ating isipan at makapulot ng mgandang aral sa kwento nina Loda at Archiie. Ma suwerte po siya dahil kahit na may sakit na siya pinipilit po niyang lumaban at may asawa siyang handang magtiis at mag sakripisyo sa pag aalaga sa kanya. "kwento ng aktres.


Pero hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng kanyang asawa na si Archie ? Susukuan ba niya ang hirap na pag aalaga sa kanyang asawang may sakit na AVM? tunghayan natin bukas Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto kung hanggang saan ang kanyang pagtitiis para sa minamahal.







Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment