ARA MINA , TATAKBO KASAMA ANG ILANG CELEBRITIES PARA SA MGA BATANG MAY DOWN SYNDROME


ISANG  celebrity fun run na tinawag ni Ara Mina na "tARA na sa AReNA 2018" ang nakatakdang gawin ng aktres sa May 27,2018 na gaganapin sa Philippine Arena vicinity. Pangungunahan ito ni Ara kasama ang ilang celebrities and participants sa paikot ng nasabing lugar ng INC .Magsisimula ito sa 500 meters hanggang 10 kilometers ang pwuwedeng takbuhin ng mga sasali.
Ang layunin ng proyektong ito ni Ara ay makalikom ng tamang halaga o pondo para matulungan ang mga batang may Down Syndrome . Malapit sa puso ni Ara ang mga batang may ganitong kalagayan dahil ang bunsong kapatid niyang si Batching (Mina Princess Klenk) tunay na pangalan , ay nasa ganito ring sitwasyon kaya naman ito ang pinag tutuunan ng pansin ngayon ng aktres at imbitahan ang mga malalapit niyang kaibigan sa industrya at mga mahihilig tumatakbo.
Sa mga interesado maaari po tayong mag register sa online sa www.runrio.com or at the following registration sites tulad ng Toby;s Sports , Hazelberry Cafe and Philippine Arena .
Beneficiary's ng proyektong ito ni Ara ay ang Down Syndrome Association of the Philippines.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment