VIVA'S NEWEST ARTIST ANDRE YLLANA DESIDIDO NANG GUMAWA NG SARILING PANGALAN SA SHOWBIZ

Matagal na sanang gustong ipagpatuloy ni Andre Yllana ang kanyang pag aartista na naging on and off , pero dahil nga sa mas iginugol niya ang atensyon sa kanyang pag aaral kaya hindi na muna nito siniryoso ang showbiz. Maging ang kanyang mga magulang na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana kapwa priority ang pag aaral ng anak na kumukuha ng kursong  Automotive Mechanic sa Don Bosco Technical Institute na sa pagkaka-alam namin malapit na itong matapos sa kanyang karera. Sa ngayon buo na ang  loob ni Andre na mag seryoso sa showbiz at kapwa binigyan na rin siya ng basbas ng kanyang mga magulang na magbalik showbiz.  Kaya namam just recently pumirma na ng Management Contract ang binata sa bakuran ng Viva Artists Agency.

Narito naging pahayag ng anak nina Aiko at Jomari sa kanyang pagbabalik showbiz. 

“Handang-handa na po ako kasi patapos na rin po ako sa pag-aaral po, eh. Medio mahirap pong pagsabayin kaya yun po yung naging hadlang dati po.

"Nag focus po muna ko sa isang bagay para hindi po ma devide ang atensyon ko sa pag aaral. 

“Pa-graduate na rin po ako ngayon, OJT na lang po kaya sure na sure na po tayo ngayon,” seryosong tinuran ni Andre.

Papaano nga ba haharapin ni Andre ang mga nag aabang na intriga lalo pat ang mundo ng showbussines ay nababalot ng ka intrigahan. 

“Throughout the years po, hindi po maiiwasan yung questions tungkol kay Mom pati kay Daddy. Siyempre, yung issues ng both parties minsan tinatanong din po ako.

“So, kumbaga, growing up, talagang nasanay na rin po ako dahil hindi na po nawala yung mga questions na ganoon,” turan pa  ni Andre.







Isa sa dahilan kung bakit desididong balikan ni Andre ang showbiz ay  para raw matupad nito ang kanyang pangarap na makagawa ng sariling pangalan.

“Yon ang isa ko pong goal din, makapagtayo ng sarili ko pong name na hindi lang po anak ni Aiko at anak po ni Jomari. In the future po sana, makapagtayo po ako ng sarili kong name, makikilala po ako as Andre Yllana,” aniya.

Samantala,  wish din ni Andre na someday makasama niya sa movie ang kanyang parents na Aiko Melendez at Jomari Yllanna.  Maging ang mga artistang sina Yllona Garcia at Bea Alonso napisil ng binata na  gusto niyang makasama sa proyekto. 

Ayon naman kay Aiko Melendez (Mommy ni Andre)  natutuwa siya.. sa pagbabalik showbiz ng kanyang mabait na anak ..narito ang kanyang post sa kanyang FB account. 





Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment