SEAN DE GUZMAN inulan ng papuri sa ipinamalas na galing sa pelikulang Anak ng Macho Dancer

ANG pelikulang "Anak Ng Macho Dancer " ang naghatid kay Sean De Guzman sa panibago niyang career sa industrya. Naging malaking break sa actor  ang nasabing movie kung saan sumabak agad siya sa pagiging lead role sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer written by Hendry Quitain and directed by Joel Lamangan. Prinodyus ito ng Godfather Productions ni Joed Serrano.  
Ito ang naging daan kung bakit  umugong kaagad ang pangalan ng alaga ni Ms Len Carillo pinag usapan sa loob at labas ng industrya kasabay ng pagbubukas nang panibagong oportunidad sa career ni Sean. 
“Nakakagulat po talaga,” tila hindi makapaniwalang pahayag ni Sean na gumaganap bilang Inno sa Anak Ng Macho Dancer. “Nagkaroon po agad ako ng endorsement (Blackwater) at pati yung tawag nila sa akin naiba, ‘Ay, si anak ng macho dancer,’” sambit pa ng binata na kapipirma lang  ng movie contract sa Viva kung saan nakatakda siyang gumawa ng 10 pelikula. 
Pati nga ang mundo ng telebisyon papasukin narin ng actor. Sa katunayan may  naka-line up ng teleserye para kay Sean sa isang TV network. 
 “Ganito po pala yung feeling na sobrang overwhelmed ka sa dami ng blessings na natatanggap mo,” nakangiti niyang pahayag. 
“Parang hindi totoo pero alam mong totoo kasi nangyayari.” Patuloy niya, “Importante din po na hindi mo bibitiwan yung pangarap mo at huwag mong susukuan. Dati kasi, sina Ms. Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia, at si Direk Joel, napapanood ko lang sila sa TV, hindi ko in-expect na sa first movie ko ay makakasama ko agad sila. Sobrang nakaka-proud po and at the same time very thankful ako.”
Pagkatapos na mapanood ang pelikulang Anak Ng Macho Dancer sa KTXT. PH streaming platform last Saturday January 30 Inulan ng papuri sa ipinamalas na galing ng aktor base sa komento ng mga artistang nakasama sa nasabing movie. Maging mga nakapanood online  
“Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko at pinagbubuti ko para hindi ako mapahiya. Pero bilang baguhan, alam ko pong napakarami ko pang mga dapat matutunan. Inalalayan po ako nina Ms. Jaclyn, si Ms. Osang na gumanap na nanay ko sa pelikula at si Kuya Allan na tatay ko naman. Hindi po sila madamot. “At siyempre, dahil din po sa guidance ni Direk Joel kaya na-portray ko nang epektibo yung role ko,” pahayag ni Sean. Pagkatapos ng Anak ng Macho Dancer ay posible kayang hindi na muna sasabak sa sexy role si Sean? “Willing naman po akong gawin kahit anong role. Pero ngayon po siguro, depende yon sa project na ibibigay sa akin ng Viva at ng management team ko (3:16 Events & Talent Management). Ang mahalaga po meron tayong trabaho lalo na ngayong pandemic,” pagtatapos niyang pahayag.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment