BALLEDONNAS QUINN SASABAK NA RIN SA PELIKULA AT TELEBISYON SOON!



SINGLE
HINDI naman pala nakapagtataka kung bakit sa idad na 21 ay nananatili pa ring single at walang BF ang isa sa miyembro ng Balledonnas na si QUINN CARILLO kung saan nag celebrate ng kanyang bonggang kaarawan just recently sa Taggo Bar na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan , pamilya at ilang piling press people. Of course di’ namin pina lampas ang pagkakataon na mai corner ang dalaga ni Ma’m Len para maka usap hinggil sa status ng kanyang career sa kasalukuyan at ng kanyang buhay pag ibig.

“I’m still single ,”entrada niya.
“ Choice ko po ang huwag munang makipagrelasyon dahil makasisira lang ito sa career. Makapaghihintay naman ang love, bata pa naman ako! Sa ngayon iba po ang priority ko ..yung mag concentrate muna sa kung ano yung gusto ko sa buhay ko.

“Marami pa po akong pangarap na gusto kong marating so far unti unti na pong nabibigayang kasagutan ang mga pangarap ko ..dumarating ang blessing sa career ko kaya avoid muna po ang boys hahah!!!,”sabay tawa ni Quinn.

CAREER
Although ,first time namin na meet ang maganda at sexy’ng anak ni Ma’m Len Carillo na siya ring tumatayong Business Manager ng nasabing female group (BALLEDONNAS) at owner ng 3:16 Events and Talents Management. Sa aking pananaw sa baguhang aktres , malaki ang chance ni Quinn na magkaroon ng magandang puwang di’lang sa larangan ng pelikula, maging sa television at kanyang singing career bibihira kasi ang kagaya niya na punong puno ng abilidad na kahit saan mo pa isalang ay pihadong hindi ka mapapahiya.. very talented !.like I said with her mommy around na super supportive at mega Pr di imposibleng masungkit nito ang kanyang pangarap na maging isang big star.


MOVIES
“Well , siguro po right project at tamang panahon di naman po tayo nagmamadali.
“As of now medyo busy kami . There is still projects keep on coming. Kaya busy po kami lalo na po ngayon election… Bukod doon, it’s iyung movie. Second movie. Indie film po siya na gagawin po namin together with the Clique V.” kwento pa ni Quinn.

“Yung first movie po… ire-release na po siya soon. Just wait for updates po. Ipalalabas po pero ang showing niya ay sa schools lang po kasi advocacy film lang po siya.
“Not sure kung advocacy film ang second movie…pero baka po.” dagdag pa niya.

ALBUM
Nabanggit din ni Quinn ang Balledonnas upcoming album “Iyung album, still working on it po. There are some songs we are still writing at may ire-record pa po. Not sure kung ilang songs ang album pero siguro po 5 or 6 songs. Iyung two songs po tapos na po. Available na po sa Spotify at iTunes.”

And Quinn birthday wish.” Siguro po success lang po sa career. Of course, more blessing sa family. About sa Belladonnas, sana mas maging solid pa kami, para mas maganda ang work ethics namin. Promise di ko iiwanan ang grupo ! Gusto ko sana magtuluy-tuloy ang magagandang nangyayari sa career ng Belladonnas at ng Clique V."

AWARDS
Masaya din ang grupo ng Balledonnas sa karangalang kanilang natanggap bilang BEST FEMALE GROUP sa Laguna Excelence Awards na gaganapin sa April 20 2019 together with the CLIQUE5 na nakatanggap din awards bilang BEST MALE GROUP ! Congratulation 3:16 Events and Talents Management family!



Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment