SYLVIA SANCHEZ , ISANG MAPAGHAMONG PAGGANAP ANG IPAMAMALAS SA PELIKULANG OFW :THE MOVIE SOON!

 
HABANG sinusulat namin ang artiklulong ito malamang nasa DUBAI pa rin ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez para tapusin ang bagong movie OFW: The Movie kung saan sino shoot sa nasabing lugar. . Base sa mga post aktres medyo limitado daw ang kanilang oras sa Dubai kaya puspusan din ang kanilang trabaho at walang sinasayang na oras. Imagine nang dumating nga raw si Sylvia sa Dubai hindi na nakapag pahinga ang aktres sumabak at diretso agad sa shooting location.

Base sa mga post ni Sylvia sa kanyang FB account mahahalata mo talagang inspired siya sa kanyang bagong project na kasalukuyang kinukunan ang mga mabibigat niyang eksena bilang Domestic Helper sa bansang Dubai. Hango sa tunay na buhay ng isang Pilipinang OFW na nakipag sapalaran sa ibang bansa , nagawang iwanan ang pamilya sa Pinas kapalit ng mga pangarap sa buhay. Limang magkakaibang kwento ng mga OFW ang ipapakita sa nasabing movie kung saan isa si Sylvia sa limang gaganap sa karakter ng isang pilipinang nag tagumpay , yumaman at ngayo’y naninirahan na sa Pinas dahil nakapag patayo ng isang negosyo. Kung papaano naging matagumpay ang isa nating kababayan .. yan an ating aabangan sa pelikula.

“Minsan mahirap pero kinakaya para sa pamilyang mahal. Kaya tayong mga pamilyang naiwan, mahalin natin at bigyan natin sila (Overseas Filipino Worker) ng halaga, dahil hindi natin alam ang hirap at sakit na dinadanas nila. ‘Yung iba pinalad pero ‘yung iba hindi. Mahalin natin sila. Buhay #OFWTheMovie. Soon. #thankuLORD,” ito ang post ni Sylvia sa kanyang FB timeline kamakailan together with some pics na kuha sa kanyang shooting.

Sa kabila ng kasagsagan ng shooting si Ibyang hindi naging alintana ang pagod at puyat para sa aktres kasi nga’y kapiling di niya sa Dubai ang kanyang lovable husband na si Sir Art Atayde na balita nami’y sinumunod sa aktres. Kaya naman walang inaksayang oras ang mag couple talagang kahit na may tinatapos si Sylvia na movie nakapag unwind pa rin ang mag asawa't nakapag libot sa magagandang tanawin sa Dubai . Silipin ang kanilang mga photos na very sweet sa isat isa.
 
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment