Diamond Star MARICEL SORIANO ang mangkukulam sa pelikulang THE HEIRESS: Kinakatakutan ng mga co stars sa movie?

Sino nga ba naman ang hindi mai intimidate sa nag iisang Diamond Star na si MARICEL SORIANO? Sa pagbabalik pelikula ng aktres sa Regal Entertainment isang quality horror movie kung saan ang role ng aktres dito ay isang mambabarang at talamak na mangkukulam.
Sa pelikulang "The Heiress" makakasama ni MARICEL ang mga baguhang artista na sina Janella Salvador at McCoy Deleon na kapwa very vocal sa pag amin na may takot at sobrang naiilang sa Diamond Star bagay naman na sinagot ng aktres sa presscon ng nasabing movie na ipalalabas sa November 27 nationwide.
“Naririnig ko yan madalas na may mga co stars akong kasama na nai intimidate salon... , takot daw sa akin. E, bakit naman sila matatakot, di naman ako nangangagat? I told sina Janella not to be intimidated by me. Basta gawin lang nila ang trabaho nila nang maayos at narito lang ako para umalalay sa kanila,"paliwanag ng aktres.
"But usually, kapag nararamdaman kong naiilang sa’kin ang co-stars, ako na mismo ang gumagawa ng paraan to make them feel comfortable with me para kami masaya lagi sa set.”
Tinanong din namin si McCoy Deleon kung ano ang pakiramdam na makasama sa pelikula ang isang dekalidad at award winning aktres na si Inay Maricel.?
" I really feel so lucky and blessed na nabigyan ako ng chance na makatrabaho ang isang Maricel Soriano. It’s a great experience na hindi ko na makakalimutan sa buong buhay ko.”
"Nakaka ilang yung mararamdaman mo yung kaba na may halong takot baka magkamali ako o ma late ako.
“One time, pawis na pawis ako. Biglang andiyan na si Inay Maria at nilagyan ng tuwalya yung likod ko. Sobrang nagulat ako kasi I felt nagke-care pala siya.
"Yung bimpo niya, itinago ko, para souvenir ng pakikipagtrabaho ko sa kanya,"pagmamalaking sabi ng actor.
Buong pagmamalaki rin ng alaga ni direk Manny Valera na si Janella na isang malaking karangalan para sa kanya ang makasama ang nag iisang Maricel.
"She’s really very approachable and accommodating. Starstruck ako noong una pero siya mismo ang nagsabi na I shouldn’t feel that way. She made alalay to me all the way,"bulalas ng aktres.
"Para talaga siyang mother sa set na concerned sa anak niya and it’s really a pleasure working with her in ‘The Heiress’. Kahit sabihin pang ang role niya rito, sobrang higpit niya sa’kin as may very controlling aunt na gustong ako ang maging tagapagmana niya as mambabarang.”
Labis din ang pasasalamat ni Maricel kay Mother Lily Monteverde producer ng Regal Entertainment na kahit pa lumipas na ang mahabang taon nandoon parin ang tiwala sa kanya ng Regal na itinuturing niyang pangalawang tahanan.
“Dito naman talaga kay Mother Lily ako nagsimula.
"Kaya every time she needs me, nandito lang ako kasi gusto ko talagang mapasaya siya. Sabi ko nga, basta si Mother Lily, kahit walang bayad, e. Pero huwag naman, siempre kailangan ding kumita ng lola nyo.hahaha!.
"Nakaka sad, but then, who are we to question kung anong plano ni God, di ba?
"Malay natin, ngayong we are given an earlier playdate, mas malaki pala ang kitain ng movie namin, e di magiging mas masaya si Mother Lily.
"So thankful lang kaming nabigyan kami ng earlier playdate at mas mauuna pa kaming ipalabas kaysa doon sa entries sa filmfest.
"And I can assure the viewers, lalo na yung mahilig sa horror films, na hindi sila mabibigo sa pelikula namin. Magaling na direktor si Frasco Mortiz, Ibang iba ang kanyang idea pagdating sa pagdi direk,,"huling pahayag ng aktres.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment