Isa sa limang anak ng award winning actor na si Christopher
de Leon at Sandy Andolong ang
beauty queen na si Mariel de Leon na
nakilala sa larangan ng beauty pageants. Nasungkit ng dalaga ang Miss
International sa nakaraang Binibining Pilipinas 2017 at siya ang ma suwerteng pinang laban ng Pilipinas sa ibang bansa but
unfortunately hindi pinalad si Mariel na maiuwi ang karangalan nang ating bansa
bagay na umani ng batikos at panlalait sa social media.
Nang makausap namin si Mariel just recently sa kanyang
signing contract with LVD Management Consultansy and services diretsahang
inamin ng beauty queen/actress na matinding stress ang pinagdaanan niya sa mga
basher.
“Before i answered sometimes
..may time na nag re reply ako sa kanila . But of course, na-stress ako
do’n kasi parang it was my first time to be exposed to that life of people,
kasi growing up, sheltered child ako, so parang after Binibini, tapos biglang the
world opened up or something.
“Pero ngayon, okay na ako. Kasi I realized na lahat naman may
mga basher, kahit ’yung non-showbiz, meron din. You can never please anyone. So
parang just live your life and do what you want.But I’ll still express that this
time, I’ll be more careful with my words, but it won’t stop me from being myself,”
paliwanag nang bagong alaga ni Leo Dominguez.
Kung dati rati laging sinasabi ni Mariel sa kanyang mga past
interviews na ayaw niyang mag showbiz ngayon nag decide na ang dalaga at buo na
ang loob nito na tuluyang pasukin ang pag aartista. Well , hindi naman
nakapagtataka dahil may dugo siyang artista.
“Dati sa mga interviews ko, I said na ayaw kong mag-acting o
mag-showbiz. I think I said that before because I was scared the life of an
actor. Kasi I saw it with my parents na they’re always going home late, and super-tiring
yung ginagawa nila. Pero after nung Panday… since I had fun in Panday, parang
it opened up my mind to try acting more.”
“Kasi, dati, parang takot pa akong mag-showbiz or mag-artista
pero after nu’ng Panday... nag-enjoy kasi ako, eh. That’s why I wanted to
discover or parang learn more about acting,” pahayag pa ni Mariel na ngayoy
gumagawa ng kanyang second movie na may titulong “LATAY” under BG
production with Lovie Poe and Allen
Dizon.
Sa bagong yugto ng career ni Mariel bilang isang actress
iisang tabi muna daw niya ang kanyang pagiging isang beauty queen at stop muna
daw siya sa pagsali sa mga beauty pageants. Gusto talaga ng dalaga ng mag
concentrate sa kanyang acting career.
Ang reason ni Mariel kung bakit niya iiwanan ang pagiging
isang beauty queen “Kasi, ang daming activities, almost every day. Tapos, dapat
laging naka-hair and make-up, high heels, and then dapat laging naka-ganu’n
(beauty queen wave),”aniya.
“Ang daming inuubos na oras at nakaka stress sa dami nang
activities.”dagdag pa niya.
Ang pelikulang Panday nga raw ang naging susi para pasukin
niya ng tuluyan ang larangan ng pelikula. Dito na raw nakita ng aktres ang
comparison between beauty pageants and showbiz.
“Nabago, e, kasi everyone sa set, they’re very nice to me. They
were patient dahil baguhan ako. They were teaching me sometimes on how to say
the lines, on how to act or react. I was lucky then…he made sure na we were
always taken cared of sa set,” sabi pa ni Mariel.
“So this time dito na muna ko mag po focus sa acting na at
sa singing na din. Nakaka pressure nga
lang dahil I know people expecting me dahil anak ako ng mga sikat na actor at
actress. Well Siyempre gusto ko rin makilala ako ng tao o magustuhan nila ako
sa sarili kong identity ..on my own di dahil kilala yung parents ko,"pagtatapos ni Mariel na nag wi wish na sana magkaroon siya ng teleserye soon. well with the help of Leo Dominguez Im pretty sure hindi lang teleserye ang maibibigay kay Mariel ng respetado at kilalang manager.
0 comments:
Post a Comment