KATRINA HALILI, EPEKTIBO ANG PAGIGING KONTRABIDA SA D' ORIGINALS

 




Abangan ang D Originals sa GMA, afternoon Prime mas tumitindi ang bangayan nang magkatunggaling sina Yvette, na ginaganpanan siyempre ng maganda at sexing
aktres na si Katrina Halili
ang Mistress ni Lando played by Jestoni Alarcon at ang legal wife ni Lando na si Jacklyn Jose as Josie . Bagay na bagay nga Katrina ang pagiging sang
kontrabida sa nasabing tv series na D Originals kung saan walang patumanggang pang aapi at panlalait nito  sa tunay na asawa ni Lando  na si Josie. Tuluyan na nga
kayang maagaw ni Yvette si Lando kay Josie ? Well yan ang abangan natin dahil mukhang muling magkakamabutihan at magkakabalikan sina josie at lando na
magiging dahilan ng malaking iskandalo sa buhay ng mag asawa dahil hindi papayag si Yvette na maagaw muli ni Josie si Lando kay Yvette.

Anyway nung nakausap namin ang aktres na si Katrina pagmamalaking sinasabi nito sa amin na nag e enjoy siya sa pagiging kontrabida.Bagamat marami ang 
nagingitngit sa kanya dahil sa pagiging kontrabida niya pero pagpapatunay lang naman yun na epektibo ang kanyang ginagawa na role sa telebisyon .   "Of course mas nag e enjoy ako sa role na kontrabida ...at least pag kontrabida role ko hindi ako mawawala you know .. at hindi na ako nag e expect na
maging lead role kasi mas naging gamay ko yung ganito na palaging may ginagawa ,"aniya.
       "Kaya pinaalam ko sa lahat na hindi naman ako ganun sa totoong buhay , masama man ako sa paningin nila sa telebisyon lang po yun. Minsan kasi
masyadong apektado ang mga taga subaybay ng teleserye kahit saan ka mapunta na re recognize ka nila na kontrabida ka at galit sila ,: sabay tawa ni Kat.
Pagdating naman sa personal niyang buhay , sa ngayon bukod sa taping isa sa tinututukan niya ang pag aaral at pagpapalaki sa kanyang nag iisang anak na si

Katrence , anak nila ng dating asawa na si  Kris Lawrence (singer). Siyempre pa kasabay na din dun ang pagpapa beauty at tuloy tuloy na pag da diet dahil gusto ng aktres na ma maintain niya siyempre ang kanyang kaseksihan.
       "Hayun dagdag na alaga siyempre ang ginagawa ko sa anak ko , katunayan di lang ako nanay, yaya,  teacher pa ako ng anak ko, binibigyan ko talaga siya ng time kahit na busy ako sa taping i have time for my one and only daugther , ayoko kasi sabihin sakin ng anak ko na walang panahon sa kanya. Talagang tutuk ako sa anak ko ..Iba yung anak eh kahit pagod ka sa work nawawa na yung pagod mo kapag magkasama na kayo. At mahirap na masarap ang maging isang single parent. ",kwento pa ng aktres.
Speaking of Kris Lawrence , balitang nanunuyo at bumabalik nga daw ang singer sa sexing atres bagay naman na itinanggi ni Kat nung huli namin siyang nakausap.
       "Walang ganun po, nagkakausap kami siyempre para lang sa anak namin ..not morethan that or anything Mahirap kasi pumasok sa isang bagay na hindi natin pinag iisipan  i have been there , so mahirap nang balikan eh . mahirap kasi ibigay ang 100 percent na time mo for your lovelife lalo pat busy ako sa career ko so, in the long run maraming mag sa suffer at talagang na de divide panahon ko. I have no time pa sa ngayon ang love life . Siguro as of now mas anak ko na lang at sa career ko ilalaan ang panahon ko at mas nag e enjoy pa ako dun ,"sabay irap ng maganda at seksing kontrabida bida sa tv series na D Originals na mapapanuod mula Monday hanggang Friday siyempre pa sa Kapuso GMA afternoon Prime kaya abangan ang pagiging kikay at awayerang si Yvette. By rico M
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment