"I HEART DAVAO" mapapanood na ngayon gabi!





Mapapanood  na finally  ngayong gabi June 26 , 2017 ang programang pinakahihintay ng lahat, ang programang tiyak na kagigiliwan at mamahalin ng viewers, ang romantic comedy series na "I Heart Davao" pinagbibidahan ng real couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang comeback serye sa telebisyon na mula sa GMA news and public affairs . Bagamat walong linggo lang itong mapapanood malamang na itoy tutukan at susubaybayan ng kanilang mga fans dahil maganda ang buod ng istorya na may hatid na kilig at puno ng
pagmamahalan.Si Tom bilang Ponce  isang Dabawenyo na nag ma may ari ng isang malawak na Cacao farm sa magandang lugar ng Davao na ma i inlove sa isang babaeng dayuhan na si Hope played by Carla Abellana na may labis na karamdamang dinadala sa kanyang "Heart". Sa pamamgitan ng nasabing programa makikita natin ang kagandahan at kalinisan ng Davao halos 80 percent ng kanilang na shoot at ang mga ibang hightlight nito ay kinuhanan sa iba ibang parte ng mga tourist spot sa Balwarte ng ating presidente na si Rodrigo Duterte.Isa yan sa layunin ng GMA public affairs na maipakita sa lahat ang mga ipinagmamalaki ng mga Dabawenyo. Wala daw umanong kaugnayan ang programang I Heart Davao sa ating presidente na madalas tanong ng karamihan , pero ayon sa GMA public affairs sila daw ay serbisyong totoo lang at walang kinikilingan .
  "Mas  realistic kasi kung sa place ng Davao magaganap ang tagpo ng pag iibigan nina Ponce at Hope . Yung place kasi akmang akma sa istorya but not only 100 percent lahat ng shoot sa Davao,meron din sa manila" paliwanag ng isa sa Staff ng nasabing serye.
Kasama din sa nasabing serye ang baguhang aktor si Benjamin Alvez kaya huwag nating palalampasin ngayong gabi ang "I Heart Davao|" sa I heart GMA Telebabad
pagkatapos ng "My Love From The Star" sabay sabay po nating tutukan at subaybayan ang nakakakilig na pag iibigan nina Ponce at Hope .
 by Rico M



Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment