Hanggat maari ayaw na ayaw pala ng baguhang aktor/model na si Gil Cuerva na ikinu kumpara siya sa model na si Borgy Manotoc. Noong mga panahong wala pa ang fil/spanish aktor sa showbiz at nagsisumula palang siya sa modeling madalas umano na raw siyang ikinu compare sa eldest son ni Imee Marcos
"Well im so flattered pero gusto ko magkaroon ng sariling
identity . I am not saying na ayokong ikumpara ako sa iba. This is
me... yun lang yun e, at bilang baguhan maganda yung makagawa ka ng
sariling pangalan na wala kang ginagamit na ibang tao,"explain ng aktor .
Hindi maikakaila na isa si Gil Cuerva ang pinagpapantasyahan ngayon ng
madla.Bagama't baguhan palang siyang maitituturing pero dahil sa lakas
ng kanyang dating hindi siya nahirapang gumawa ng sariling pangalan sa
industrya na lalo pa ngayon na maganda ang feedback ng kanilang romantic
series program ang "My Love From The Star" with Jennylyn Mercado .
Buong sangbayanan ay nakatutok sa nasabing programa ng GMA Telebabad
dahil nabihag nina Gil at Jen ang kiliti ng masang pinoy kaya naman di
nakapagtatakang ma maintain ng nasabing programa ang taas ng rating
kumpara sa kalaban nito .Marami talaga ang kinikilig sa tambalan ng
dalawa kaya subaybayan palagi ang mga nakaka inlove na mga eksena nina
Steffi at Matteo sa "My Love From The Star " ng GMA Network .
Blogger Comment
Facebook Comment