“Ito talaga ang tinanong ko, 'Puwede ba akong mag-record
with the orchestra?'.pumayag naman sila sa gusto ko.
“E, kasi singer talaga 'ko.Noong nasabi nila na, 'Sige,
magre-record ka,' gagawa ka ng mga kanta para sa mga teleserye, biglang naano
yung creative side ko.”
“Well, sila lang ang may orchestra.Kaya alam Kong sila yung
tanging mahihilingan ko na makapag record with the orchestra.
“Pangalawa, hindi pa ako nakakagawa ng album sa Star
Music.So, excited ako. Nagpaalam naman ako.
"Mahirap mag-release ng all-original ngayon.
“Bihirang mangyari ito na ang isang artist ay nabigyan nila
ng pagkakataon na makapag-record with the orchestra.
“Natutuwa naman ako na binigyan ako ng chance ng ABS-CBN,
I’m so happy.From the songwriting to the production.So co-producer ko si
Jonathan Manalo.
“Galing ako ng Universal, di ba?Sabi ko, I just have...
meron akong gagawing special project.Sabi lang nila, with the orchestra, go
ahead.”paglalahad ni Ogie nang makapanayam naming siya sa kanyang mall tour
kaugnay ng launching ng bago nitong album"Nakakalokal" na ginanap msa
Robinson Magnolia just recently..
kwento pa ni Ogie ,focus na muna siya sa kanyang career
,medyo lilimitahan daw muna nito ang
guesting sa television bilang comedian sa Dos sa pag awit na muna daw niya
itutuon ang kanyang atensyon
“Hindi ko dapat pabayaan.Parang sabi sa akin ni Lord, '‘Yan
ang binigay ko sa ‘yo.'Huwag ka na munang mag-comedy-comedy. 'Focus ka na lang
muna sa music.'
“So ito talaga ang ginagawa ko, tutok talaga ko.”aniya.
Sa naturang album, nakapaloob din dito ang medley songs ng
wife niyang si Regine Velasquez ,may duet silang mag couple ,ang "Hanggang
Ngayon" at ilang classic hits na
sumikatna mga awitin ng singer aktres.
"Yan naman very
supportive ,mapagmahal na asawa kahit busy rin siya nandun padin yung suporta
niya."
Sa nakaraang mall show ni Ogie present siyempre bilang
suporta sa kanya ang dalawa nitong anak na si
Leila at Nate.Nandun din ang kanyang wife na si Regine na nagpamalas ng
awtin with Ogie .
“Nakaka-ano,
nakakawala ng nerbiyos kapag nandiyan sila.Kasi, alam nila ang dinaanan ko
noong ginagawa ko yung album.Yung support nila siyempre nandun kapag nandoon
sila.Nabubuhayan ako.
"Pero God is good. Very merciful. Ngayon, kumpleto ang
pamilya ko.Maganda naman ang health naming mag-asawa.Maganda ang career ng
asawa ko, ako okey rin naman ako.So God is good,”pagtatapos ni Ogie
Blogger Comment
Facebook Comment