Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) deadline ng pagsusumite ng entries sa March 20

Bongga ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na nakatakdang ganapin sa Setyembre 11-17, 2020.
Tulad ng mga nagdaang taon, sampung pelikula ang kalahok dito na ipalalabas sa lahat ng sinihan around the Philippines. 
Marso 20 ang deadline ng pagsusumite ng mga pelikulang nasa advanced stage of development or production stage, kung saan apat ang mapipili.
Ang deadline ay sa Hunyo 15 ang pagsusumite ng mga pelikulang tapos na, o patapos na sa post-prod. Kung di kami nagkakamali Anim sa mga ito ang pipiliin.


At ang magandang balita, mag-aalok sa PPP 4 ng co-production funds na hanggang 2M php sa pamamagitan ng Philippine Co-Production Fund (PCOF).
Ang PPP 4 ay organized ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Ang STUDENT admission price during the September film fest sa Metro Manila cinemas ay PHP180, at sa provincial theaters ay PHP130.
Ang opening day ng PPP 4 ay sa September 11, 2020—o huling araw ng year-long Philippine Cinema Centennial celebration as mandated by Presidential Proclamation No. 622, Series of 2018.
Sa mga katanungan tungkol sa pagsusumite ng kalahok at iba pang impormasyon, makipag-alam sa PPP Secretariat c/o Film Development Council of the Philippines.
Ang tanggapan ng PPP Secretariat ay nasa 855 T. M. Kalaw Ext., Ermita, Manila, at ang contact number ay (02) 8256-9948 local 104.
Narito ang mga ilang katungan ?
May patakaran ba ang PPP na iyong mga hindi mapipili sa Summer MMFF ay puwede nilang tanggapin? Pati na yung rejects ng Sinag Maynila at iba pang festival?
Yung mga di papalaring makapasok sa MMFF , kasi nga walo lang ang ma swerteng mapipili dito pero  may 24 full-length films na isinumite dito. 
Sa Marso 2, Lunes ng hapon, MMFF will announce kung anong pelikula ang 8 official entries, yung mga hindi pumasok na movie puwedeng-puwedeng isali ang mga natira rito for PPP.
Then, iyong pelikula ni Direk Jay Altarejos na Walang Kasarian Ang Digmang Bayan na naligwak sa Sinag Maynila (Marso 17-24), baka puwede rin sa PPP.
Bago kaya matapos ang Philippine Cinema Centennial Celebration ay maisasatupad na ang paglipat ng playdate sa araw ng Biyernes?
May naririnig kasi akong pinu-push pa rin ito ng ilang producers.
At least, unti-unti nang pina-practice ang 16 working hours ng production crew at staff.
Kaugnay ito ng mas maayos na working conditions sa paggawa ng mga pelikula at teleserye, alinsunod sa joint memo ng FDCP Chairperson/CEO Liza Diño at Department of Labor and Employment.
Kaya may mga pagbabago talaga kasabay ng pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment