CHITO RONO buo ang paniniwala sa justice system ng pilipinas matapos na makamit ng kanyang alaga na si Vhong ang hustisya!


Nang makausap namin ang award winning director na si Direk Chito Roño sa presscon ng Signal Rock ang latest niyang movie na kalahok sa PPP 2018 ngayong Agosto. Natalakay namin ang tungkol sa hustisyang nakamit ng kanyang alaga na si Vhong Navarro na nag file ng grave coercion five years ago against Cedric Lee, Deniece Cornejo at Jed Fernandez. Aminado ang batikang director na nagkaroon siya ng konting pagdududa noon sa justice system dahil medyo nabagalan siya sa usad ng kaso ni Vhong kaya labis ang kanyang katuwaan at finally nga ay  na disisyonan na ng  korte at nahatulan na nang guilty ang mga taong nang abuso at minsang sumira sa pagkatao at pangalan ng komedyan nang halos limang taon.

“Kasi, akala namin mamaniobra, hindi pala! Doon ko napatunayan na buhay ang justice system sa pilipinas na in the end yu’ng katotohanan pa rin ang naghahari,”panimulang sambit ni direk na producer din at  the same time  ng pelikulang Signal Rock na nakatakdang I showing sa August 15 an enhtry to the Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

About StreetWheels Philippines



“Hindi pala namamaniobra ang hustisya natin. Parang nagkaroon lang kami ng ilusyon, siguro nawalan lang kami ng confidence. Pero bilib pa rin ako sa ating justice system.”

Nang nag sampa rin kasong rape and attempted rape si Deniece against Vhong agad itong na dinismiss nang korte at doon na sila nagkaroon ng lakas na loob na linisin ang pangalan ng komedyante.

“Dismiss na ’yan earlier, eh, umapila lang sila. Umapila sila nang umapila pero talagang ngayon dinismiss na with finality, so hindi na nila mapa-file the same case. Bawal na kasi final na ’yung desisyon.

“Actually, masaya na kami before nung na-dismiss pero nag-apila sila. So, in fairness kasi, nagkaroon kami ng confidence sa justice system ngayon,” kwento pa ni Direk Chito.

Kahit nga raw tapos na ang kaso, dobleng pag iingat pa rin daw ang ginagawa ng kanyang alaga.

“Si Vhong, maingat na ngayon kahit maglalalabas. Maingat siya kasi baka… One time kasi lumabas kami, nagtaka kami kung bakit may babaing pumasok tapos umirap, umalis, galit na galit. 


“Tapos naimbestigahan ni Vhong kung sino ’yung mga ’yon, ’yon pala mga kaibigan ng kalaban. So, maingat din siya na mag-create ng something kasi baka ma-taunt siya, ’di ba? Baka mapatulan niya o mapatulan ng kasama niya, maging isyu pa. Maingat na siya sa paglalalabas.”huling litanya ni direk Chito na director ng Signal Rock kung saan si Christian Bables ang bida sa nasabing pelikula under CSR Productions and Regal Entertainment Inc.
Signal Rock is also an entry to the upcoming Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival 2018

Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment