KATRINA HALILI MINTIK NANG MAG BACK OUT SA TADHANA


Sa Sabado tampok ang aktres na si Katrina Halili sa programang Tadhana , ipo portray ng aktres ang buhay ng isang OFW na nakipagsapalaran sa bansang Brunei. Sa pagsisimula nito sa bagong buhay sa Brunei kasabay din ng panibagong hamon ang kanyang mararanasan sa pagitan kanyang dalawang among babae na naghahati sa iisa lalake . Pero ,papaano kaya kung ligawan siya ng kanyang among lalake at gawin siyang  pangatlong asawa katumbas ng  ginhawang matagal na niyang inaasam. Well, abangan natin yan sa Saturday sa ganap na 3:15 pm sa GMA 7.,matutunghayan natin ang magulong kwento  ng buhay ni Laisa na napadpad sa bansang Brunei.


Ayon sa aktres na si Katrina muntik na pala siyang mag back out at hindi tanggapin ang role niya sa Tadhana . Nagulantang nga raw ang aktres nang matanggap nito ang script at mabasa na may mga bisayan dialect sa naturang script.

 “First time ko kasing nag bisaya sa buhay ko.Binabasa ko palang ang script parang hindi ko na kaya  hirap na hirap akong basahin.  Sumakit ang ulo ko habang binabasa ang script,”kwento ng aktres.

“Hindi ko na po sana tatanggapin back out na sana ako pero itinulog  ko na lang , sabi ko sa sarili ko hindi ibibigay ni lord sakin ang role na ito kung hindi ko kaya.. so far  nakaya ko naman  sa tulong na rin sakin sa set specilally kay direk Michael at sa iba pang staff.

“After nung taping nakahinga na nga maluwag at  nasabi ko sa sarili ko na kaya ko pala . Iba lang talaga ang dating sakin ng ginawa ko sa Tadhana.. kakaiba !Thank you po sa Tiwala!

 
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment