Congresswoman Florida Robes labis ang pasasalamat sa mga taong nasa likod ng tagumpay ng San Jose Del Monte Bulacan


SA aming pakikipag kwentuhan sa butihing Congresswoman ng San Jose Del Monte, Bulacan na si CW Florida Robes recently ibinahagi niya samin ang lubos niyang pasasalamat sa lahat ng mga tao at kagawaran na tumutulong at sumusuporta sa Bulakenos dahil sa pamamagitan ng kanilang pagtulong nagkakaroon daw umano ng mahusay na mga pasilidad sa lunsod ng SJDM Bulacan
Una, ang alkalde Arthur Robes (Husband niya) na patuloy na nagbibigay ng kanyang mahusay na pagsisikap na maglingkod sa San Josenos. Pangalawa ang labis na pasasalamat ng Congresswoman kay Philip Salvador at kapatid ng aktor na tumulong sa Bulakenos kasama na sa nabanggit niya ang suportado ni senador Nancy Binay ang sports complex para sa kabataan at ang mga sentro ng kombensiyon para sa lahat ng mga guro at para sa lahat ng malaking kongregasyon. Ang kalihim din na si Mark Villar ay malaking tulong din daw sa kanila at siyempre nais din ipaabot ng ating mahal na CW Florida ang pasasalamat kay senador Bato Dela Rosa, para sa Philippine National building.

Napakagandang pakinggan o makita ang isang pampublikong tagapaglingkod na talagang pinahahalagahan ang lahat ng mga tao na tumutulong sa kanya na makamit ang kanilang mga layunin para sa Bayan. Ma suwerte ang mamamayan ng nasabing lunsod dahil nagkaroon sila ng isang kagaya ni CW Rida na walang inisip kundi ang kabutihan sa kapwa at pagpapa unlad ng Bulakenos.
Na open din ng congresswoman Florida ang mga napipintong mga aktibidad ngayong pagpasok ng buwan ng Disyembre para sa darating na kapaskuhan. Ayon kay CW Rida , magkakaroon ang San Jose Del Monte ng Christmas Tree Lighting kasama ang Misa De Gallo at tradisyonal na pagkain tulad ng Bibingka, lugaw at tokwa na may 1-linggong bazaar na nagtatampok ng Cooperative. Ilulunsad din nila ang mga mahuhusay na embahador ng TANGLAWAN.
Nagbigay din siya ng positibong komento hinggil sa pagkukumpara sa kanilang mag asawa ang tandem nina Lucy Torres-Gomez at Richard Gomez ng Ormoc, Leyte. Sa kanyang pababalik tanaw kung paano nagpalitan ng kaalaman ang Team AR sa Lucy-Gomez tandem sa mga tuntunin ng pamamahala.

Watch the video ang buong detalye!


Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment