"Grabe mga eksena namin dito sabunutan , tarayan, sampalan at iba pang klase ng catfight"
MULI NA na naman nating makakapiling sa telebisyon ang
kapuso aktres na si Katrina Halili with a new series “The StepDaughters” kasama
ang Beauty Queen na si Megan Young kung saan equal ang ipamamalas na karakter
dito nina Kat at Megan ngunit mas lamang si Katrina sa huli pagdating sa katarayan
at pagiging kontrabida bida na ipakikita
dito ng nasabing aktres.
“Kaya naman galit si Isabelle (karakter niya) kay Mayumi
(Megan) dahil feeling niya, inagaw lahat ni Mayumi ang sa kanya. Grabe ang mga
eksena namin, sabunutan, tarayan, sampalan at iba pang klase ng catfight. Sabi
ng mga reporter, parang sa Ika-6 Na Utos ang catfight namin. Kung ‘yun ang
tingin nila, maganda dahil hit ang soap na ‘yun at extended nga,” entrada ni
Katrina.
“Ibang karakter talaga ang ipakikita ko dito sobra ang galit
ko kay Megan (Mayumi) na feeling ko lahat ng sa akin inaagaw niya lahat maging sa aspeto
ng buhay inagaw niya lahat sa akin kaya ganu’n na lang ang galit ko sa kanya.
Kung sa teleseryeng “The StepDaughter “ ay puno ng galit ang
karakter ng aktres, kabaligtaran naman yun in real life dahil happy si Kat sa
pagkakaroon niya ng show at sa tiwalang pinagkaloob sa kanya ng GMA 7 na
magsisilbing pambuenong show niya sa year 2018.
“Happy ako sa muling pagtitiwala sa akin ng GMA-7 at iba’t
ibang role pa ang ibinibigay sa akin. Enjoy gawin ang mga eksena, lalo na yu’ng
mga scene namin ni Megan (Young) . Sobrang pahirap ko sa kanya ditto.
“Maganda ang story at mahusay si Direk Paul Sta. Ana, sana
subaybayan ng viewers. Magugustuhan nila ito, sigurado,” sundot pa ni Kat.
Sa nasabing serye may mga eksena na kissing scene sina Katrina at Mikael Daza.
Pero kung ang aktres nga lang daw ang masusunod
hangga’t maari ay iniiwasan niya ang ganitong eksena siguro nga’y dahil
na rin sa protection sa unika hija niyang anak na si Katie na lubos na hindi pa
naiintindihan ganu’ng bagay.
“Medyo kabado lang I’m not sayingna ayoko ..wala naman akong
choice. Saka kung yun ang hinihingi ng istorya why not bakit hindi gagawin .
Nasa istorya kasi at yung din gusto ni Direk Paul . Sabi nga ni Mikael ‘nothing
to worry ‘ careful naman daw siya pagdating sa ganu’n,”paliwanag ng aktres.
“Saka mag iinarte pa ba naman ako eh sunod sunod na nga ang
show ko sa GMA 7 hindi naman nila ko pinabbayan. Napaka blessed ko na nga dahil
sa tiwalang binibigay nila sa akin. Hindi naman yun torrid , panghapon yung
teleserye . Nagkausap na kami ni Mikael , kasi may anak ako kaya naiintindihan
naman niya na yun lang concern ko. Pero im not saying na ayoko ng kissing
scene.
“Pagdating kay Katie talagang ang dami kong sinasakripisyo. Careful
na rin ako sobrang behave sa mga kilos at galaw ko .
“Lumalaki na siya at ayaw kong dumating ang araw na sumbatan
niya ako o kaya lumapit siya sa akin at sabihing bakit ko ginawa ‘yun at bakit
sa kanya bawal. Kami lang ng anak ko ang magkasama (although may mga kasama
sila sa bahay), hanggang sa paglaki niya, ako ang makikita at makakasama niya.
Kailangan kong maging role model sa kanya,” seryosong tugon ng aktres.
0 comments:
Post a Comment