ANGELIKA DELA CRUZ KAMUMUHIAN MULI NG TELEVIEWERS


Kahit on and off ang career ni Angelika dela cruz sa showbiz ,hindi pa rin natitinag ang
kasikatan ng aktres .Bagamat may mga ibang priority si Angel hindi pa rin niya tuluyang maiwan iwan ang kanyang karakter bilang isang kontabida sa telebisyon na naging tatak na sa mga televiewers at ito raw ang labis na hinahanap hanap ng anak ni Daddy Enrie. Very thankful nga si Angel dahil nung mga panahong  namahinga siya ginugol niya ang panahon sa workout dahil gusto niyang ibalik ang dati niyang alindog at kaseksihan ng kanyang katawan.. and she did it! at ngayon seksing seksi na naman ang aktres kaya naman handa na siyang sumabak at makipagsabayan sa iba..
This time busy na naman si Angelika at sa muling pagbabalik telebisyon  ng aktres matapos ang 
ilang taong pamamahinga, matutunghayan na na

man natin ang bagsik ng kanyang character  na tumatak sa isipan ng mga manonood.Kahit pa sabihing na typecast si Angel sa pagiging kontrabida , nag e enjoy naman daw umano siya sa kanyang ginagawa.
Ngayon sa kanyang pagbabalik telebisyon markado muli ang kanyang role na gagampanan bilang si GENEVA sa seryeng Ika6 na Utos sa GMA Afternoon Prime kung saan makakasama niya muli si Sunshine Dizon na hindi na rin naman bago sa kanya dahil kung ilang beses na rin naman silang
nagkasama sa mga dating teleserye ng GMA 7, kasama rin siyempre ang magaling na aktor na si Gabby Concepcion bilang si Rome. This time , ibang Angelika ang ipamamalas ng kanyang role na sabing serye na bukod kay Ryza Cenon na nang aapi kay Sunshine bilang Emma ibang  atake naman ang gagawin nitong si Angelika bilang si GENEVA na panibagong tinik at magpapahirap sa charakter ni Emma.
"Heto naman ako malamang pag napanood nila ang character ko dito ..kamumuhian na naman ako ng mga viewers . Hindi ko na naman magagawang lumabas o kahit na pumunta sa mall dahil maraming nag re react at nagpaparinig sa akin . Minsan nakakatuwa din dahil dun ko napapatunayan na very effective yung ginagawa ko kasi ..apektado ang viewers,: sabay tawa ni angel.
 Sa pagpasok ni Angelika sa Ika6na Utos malamang mag mamarka na naman ito sa isipan ng taga subaybay ng top rating serye  Afternoon Prime. Hindi kaya ma insecure si Ryza Cenon kay Angelika lalo pat kilala at magaling na kontrabida itong si Angel? tanong lang po?  
      

Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment