RICHARD GUTIERREZ , Lord of Vampires sa "La Luna Sangre" ngayong gabi na !



         PHOTOS COURTESY OF STAR CREATIVES ABS CBN
.

Mapapanood ngayong gabi June 19  ang  one of biggest production ng ABS-CBN ang seryeng "LA Luna Sangre" na pinakahihintay ng lahat. Sa nasabing ring serye mapapanood ang  kauna unahang proyekto ng gwapong aktor na si Richard Gutierrez matapos ang halos  dalawang taon niyang pamamahinga sa industrya. Ito ang magsisilbing first show ng guwapo at magaling  na anak ni Tita Annabelle Rama sa itinuturing niyang bagong tahanan , ang kapamilya network . Sa pagbabalik showbiz ng aktor, kung dati naninibago pa siya at nag a adjust lalo na sa kanyang mga sched, this time back to normal na ang guwapong aktor at  madali siya umanong nakapag adjust  sa kanyang panibong tahanan ,ang  bida sa seryeng "LaLuna Sangre" bilang si Sandrino "lord of vampires"na  anak ng isa sa pinaka makapangyaring bampira.
Last Friday guest si  Richard  G. sa "Tonight with Boy Abunda" at sa interview ni Tito Boy sa aktor marami siyang nai kwento sa nasabing host mga pangyayari sa kanyang buhay nung kasalukuyan siyang nawala sa showbusiness ..Pero ang pinaka magandang sagot ng  aktor sa kanyang pagbabalik showbiz ay ang lesson na kanyang natutunan at ang kanyang top priority  ngayon ay kanyang  pamilya at siyempre ang kanyang anak na si Zion  at partner na si Sarah Labati at ang panibagong career sa kapamilya network. "Professionalism is top of list" para sa guwapo at magaling na aktor .
Makakasama rin ni Richard sa "LaLuna Sangre" ang aktres na si Angel Locsin na nakasama niya dati sa kabilang istayon halos sampung taon na ang lumipas sa programang "click" . Kasama din ang love team na sina Daniel Padilla ,Kathlyn  Bernardo sa nasabing teleserye na mamayang gabi na mapapanood pagkatapos ng FPJ "Ang Probinsyano". At sa mga gustong  sundan ang istorya ng nasabing serye sa www.iwant.tv  mapapanood ang Lobo at Immortal. By Rico M
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment