
Sa programang
Encantadia namin unang nasilayan ang kakisigan at ka guwapuhan ng heartthrob na si
Ruru Madrid, pumukaw sa aming atensyon ang kanyang matikas na pangangatawan at karakter bilang
prinsipe Ybrahim.Infairness may angas at dating ang baguhang aktor at
marunong makipag sabayan kung akting ang pag uusapan kaya naman di
nakapagtatakang marating nito ang lurok ng tagumpay bilang ganap na
artista't makagawa ng sariling pangalan sa larangan ng industry bilang
isang magaling na aktor in the feature.

Hindi nga kami nangkamali ng aming naging obserbasyon sa alaga ni Direk
Maryo J delos Reyes na bagamat marami ang nakakapansin na mysterious ang kanyang personalidad at very soft spoken hindi naman yun naging balakid sa nasabing aktor, at lagi pa din siyang nasa eksena at hindi nawawalan ng mga project ang anak anakan ni kuya jobarr at kitang kita naman na umaariba ang kanyang career kahit sa kabila ng mahigpit na kompitisyon sa GMA 7 hindi nababakante si Ruru at laging may nakalaang project sa naturang istasyon sabi nga,
when something good happens other good things usually happen at the same time!True enough, Isa si Ruru sa maswerteng napabilang sa cast ng book 2 ng
Robinhood na pagbibidahan pa din ng aktor na si
Dindong Dantes. Marahil ang seryeng ito ang maghatid ng panibagong yugto sa career ng alaga ni Direk Maryo na si Ruru lalo pa't sasabak na siya sa action genre na tiyak na mag mamarka sa isipan ng mga viewers sa nasabing serye. Hindi lang yan, abangan din natin ang nilulutong big project ng GMA network para kay Ruru ,
sabi nga ni Kuya Joe si Ruru daw marahil ang napipisil ng kapuso network bilang next important star. Nominated din Si Ruru sa 7th Eduk Circle Awards under Best Action Television Series para sa kanyang magandang performance in Encantadia.O diba? when it rains it pours ika nga! Gudluck Ruru!
Blogger Comment
Facebook Comment