Baste, babalik na muli sa Eat Bulaga !

"Maayong buntag po mga Dabarkad's miss ko na kaayo tamo mga Dabarkad's ba? Hapit nako magbalik diha mag family time sako diri ha! Labyuuu all mga Dabarkad's"ito ang naka shout na mensahing isinulat ng child star na regular sa Eat Bulaga na si Baeby Baste sa kanyang Instagram account.
photo courtesy of  baebybaste instagram
 kung ilang na araw kasing  hindi napapanood si Baste sa programang Eat Bulaga.  Nag re react na ang mga followers ng nasabing program sa biglaang pagkawala ng cute at bibong anak ni mommy Sheila .Sigaw ng sambayanan  hindi kumpleto ang kanilang panonood sa pananghalian programa without baeby Baste  na isa sa nagbibigay aliw at saya sa PinoyHenyo portion kung saan hinahandugan niya ng awitin ang ating televiewers.Ang tanong ng karamihan ay kung babalik pa raw ba si Baste sa nasabing noontimeshow? Wala raw kasi si Baste sa EB anniversary kaya marami ang nagtataka lalo na ang kanyang mga tagahanga. As of now nag e enjoy pa si Baste sa kanyang vacation kung saan kapiling niya ang kanyang pamilya't mga relatives sa General Santos City.Sa sobrang kabisihan nga kasi ng child star hindi na nito nagagawang mag stay ng matagal sa kanyang hometown sa Gensan kaya humingi muna ng ilang linggong bakasyon  sa Eat Bulaga ang parents ni Baebybaste  para makapiling niya ang kanyang buong pamilya at mga pininsan. Nagkaroon din si Baste ng time na dumalaw sa mga relatives nila sa Cebu City kasama ang buong pamilya nag stay sila dun ng dalawang araw. Nasa Gensan na siya ngayon at nag re relax ka bonding ang kayang Papa Sol at Mama Sheila at dalawang kapatid na sina Samsam at Juliana.
Well hintayin na lang natin ang pagbabalik ni baeby Baste sa EB at sa haba ng kanyang bakasyon marami na naman inihandang pasabog at mga bagong awiting mag papakilig sa mga tagahanga  ng anak ni mommy Sheila . by Rico M



Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment