Limang taon din ang isinakripisyo at pakikipaglaban ng komedyanteng si Vhong Navarro sa kasong isinampa ng actor sa mga taong yumurak sa kanyang pagkatao na naganap noong 2014 sa kasong grave coercion kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez. Nakamit ng komedyante ang hustisya nang lumabas ang disiyon sa Trial Court Metroplitan sa Tanguig noong July 27. Nahatulan ng “Guilty” ang tatlong akusado. Kaya masaya si Vhong sa naging hatol ng korte.
“Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon
tayo ng hinga. Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko,”
entrada ni Vhong nang makapanayam namin siya sa presscon ng kanyang bagong
comedy film na “Unli Life” with Teresita Winwyn Marquez na ipalalabas sa August 15 in all cinema's nationwide under Regal Entertainment Inc.
Sa ngayon, kahit pa tapos na ang kaso , dobleng pag iingat
pa din daw ang ginagawa ng actor lalo na ang kanyang mga anak.
“Di ba, sinabi ko naman sa inyo, kung ano ang mangyayari,
mangyayari. Kung baga, nakatakda. Kailangan mo lang gawin kung ano ‘yung
ginagawa mo lahat.
“Kasi, kung mananatili ka sa takot, walang mangyayari sa
atin.Pero dobleng pag iingat pa din siyempre ."pagtatapos ng aktor.
0 comments:
Post a Comment