![]() |
PHOTOS COURTESY OF REGAL FILMS |
Hindi pa rin talaga natitinag ang kasikatan ng Prime
comedian na si Vhong Navarro kahit na sa kabila ng mga kinasangkutan nitong
iskadalo na nagbunga ng malaking kontrobersyal sa buhay ng komedyante noong
nakaraang 2014 at magpahanggang ngayon patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa
mga taong muntik nang sumira sa kanyang magandang pangalan.
Nang makapanayam namin si Vhong sa grand press conference ng
pelikulang “Woke Up Like This “ sa Valencia events place na ginanap recently
, Umiwas si Vhong na mapag usapan ang hinggil sa panibagong rape case na
isinampa sa kanya ng kabilang panig kaya na focus ang usapan tungkol sa kanyang
longtime girlfriend na si Tanya Bautista na balitang plano na niyang iharap sa
dambana .
“Plano pa lang ! ,”
mabilis na sagot ni Vhong
“Wala pang details kung kailan at saan kami magpapakasal.
Ayoko pang sabihin kung kailan o kung anong taon ,kasi naano , e. Bawat ano
kasi akin nauudlot. Hindi pa rin ako
diretsahang nag sasabi sa kanya tungkol dito ..yung girlfriend ko kasi ayaw
niya ng sorpresa talaga kailangan i propose mo sa kanya. Pero hindi pa ako nag
pu propose sa girlfriend ko.”
Ayon pa kay Vhong may mga dahilan daw kung bakit laging naa antala ang plano niyang pagpapakasal dahil nga raw sa mga kasong kayang hinaharap . Gusto ni Vhong , na matapos muna ang lahat ng kanyang problemang kinasangkutan bago niya harapan ang panibagong yugto ng kanyang buhay sa feeling ng kanyang girlfriend na si Tanya.
“Sobrang understanding naman siya. Sobrang laging nasa likod
ko. Kumabaga , kung anuman yung mga
bagay na nangyayari sa kin todo suporta siya.
“Honestly, isa nga ‘yan talaga sa mga rason kung bakit medyo
naantala nang naantala. E, kaya lang kasi , si God , e.
“Sa kanya ko… kung talagang kasama ito sa daloy ng lahat sa
buhay ko, yung mga pagsubok na ganito e, dapat matanggap natin yan.
“Kumbaga hindi naman puwedeng huminto ang isang pangarap
natin, sa isang taong naghihintay sa atin, at heto nga yun girlfriend ko,
diba?. Kaya nga sabi ko, ayaw kong magsabi ng taon at buwan kung kalian.
“Anuman ang mangyari sa buhay ko itutuloy at ituloy ko yun.
Kahit pa siguro patuloy pa dinidinig sa korte ang kaso ko at kung kailangan ituloy ko na
pakasalan..ah gagawin ko .
“Alam naman natin nagkaka idad na tayo so, di natin alam
kung ano mangyayari bukas diba? Ayoko
naman yung kung kailan uugud-ugod kana
saka mo palang maiisip na magpakasal sa girlftiend mo. Mabibigla na lang
siya isang araw….bibiglain ko na lang siya ,” sabay tawa ni Vhong ang isa sa bida sa pelikulang “Woke Up Like
This “ with prime actress Lovi Poe na nakatakdang i showing sa August 23 in
cinemas nationwide at ito ay sa direksyon ng bagong director na si Joel Ferrer
handog ng Regal Entertainment, Inc.Kasama din of course sina Bayani Agbayani,
Cora Waddell, Dionne Monsanto, Yanna Assitio Raikko Mateo..
Blogger Comment
Facebook Comment