SA hanay ng GMA kapuso talents, si Solenn Heussaff ang
isa sa masasabi nating ma swerte pagdating sa takbo ng kanyang career. Sa
katunayan kaliwa't kanan ang pinagkakaabalahan ng nasabing aktres dahil tatlo
na ang show nito sa GMA 7 ang AlyasRobinhood , Full Buddies at ang pinaka
latest na game celebrity show na All Star Videoke kung saan kasama niya bilang
host si Betong Sumaya na mag sisimula sa Sept 3 Sunday pagkatapos ng 24 Oras. O
diba Leo? sabi nga when something good happens other good things usually
happen at the same time.
Pero despite of her busy days nagagawa pa rin ni Solenn na
bigyan ng time ang kanyang hilig sa pag painting . Ito ang kanyang pinagkaka
abalahan kapag may free time ang aktress dahil sa simulat simulay ito ang
kanyang nakahiligan gawin kapag wala siyang ginagawa. Marami siyang obra sa
kanyang painting na gusto niyang tapusin mga collections na pawang nakikita
niya sa lansangan dito sa ating bansa na ayon sa aktres magkakaroon siya ng
exhibit sa darating na Ocotber sa Provenance Art Gallery.
Pagdating naman sa kayang buhay pag ibig going strong pa rin
naman daw ang pagsasama nila ng kanyang husband na si Nico Bolzico na
bagamat halos sang taon na silang kasal wala naman daw silang nagiging problema
sa isat isa at never pa nga raw silang nagkaroon ng small or big fight dahil
maunawain at masayahing tao ang kanyang husband na na si Nico.
"Minsan makulit siya, minsan makulit ako. Parang
magkaibigan lang.Wala kaming fights, that's the annoying part. Basta ako ,
silent treatment lang. Super chill, kaya mag wo-work
talaga."aniya.
BAGO pala ikinasal si Solenn sa kanyang husband nag live in
na muna ang dalawa yun daw ang mas feel ng aktres makilala at makasama
muna ang guy na pakakasalan niya para makilala niya ito ng mabuti.
"Sa akin kasi mas makikila mo yung tao kung magsasama
kayo . Yung changes iba kasi yung magkalayo kayo at magkasama kayo. When you
live together makikita mo yung kahinaan niya ung ugali lahat lahat na
diba?
"Kasi for me kunwari, five years akong hindi nag live
in with him , then marriage, magiging sobrang laki na ng change na baka hindi
mag work out yung relationship. "Messy si Nico, if i didn't know that ,
baka ano, baboo!. Pero ngayon we got to compromise, i know how he is,"she said.
About Rico Miranda
Blogger Comment
Facebook Comment