KATRINA H NAKAUWI NA MATAPOS ANG ILANG ARAW NA BAKASYON SA SINGAPORE AT KUALA LUMPUR KASAMA ANG PAMILYA AT ANAK





SINAMANTALA na ng aktres na si Katrina Halili ang pagkakataon na naka bonding ang buo niyang pamilya . Last week lumipad ang aktres patungong Singapore kasama ang mga taong malalapit sa kanyang buhay. Kasama ng aktres ang kanyang anak na si Katie at ang ina niyang si Mommy Malou at ang kanyang brother at mga pamangkin. Timing naman na sem break ng mga bata sa school at maluwag din ang sched ng aktres kaya nagkaroon siya ng time para ipasyal at i treat ang buong pamliya sa Singapore at Kuala Lumpur Malaysia.
Kung ilang araw din na puro saya at pamamasyal ang ginawa ng buong pamilya ni Katrina at bakas sa kanilang mga larawan ang puno ng saya lalo na ang kanyang nag iisang anak na si Katie na first time lang din nakapag  trip sa nasabing lugar. Sa Singapore ang una nilang naging destination, kung ilang araw din silang nag stay sa nasabing lugar upang pasyalan ang mga nakaka akit na tourist spot at mga magagandang tanawin sa Singapore kagaya ng Botanic Garden at wildlife Singapore Zoo na sadyang ikinatuwa ng mga kasama niyang mga chikiting.             
"Iba talaga ang feeling kapag kasama mo yo'ng family ..ang saya-saya ng moment namin super enjoy lahat kami lalo na mommy ko."kwento ng aktres                                                    
"Tutal mahaba yung sem break ng mga bata at the same time gusto ko din na bago mag start ng taping maka pag vacation with my family."dagdag pa ng aktres. 

 Matapos ang ilang araw na bakasyon sa una nilang destination ng buong pamilya sa bansang Singapore, tumulak naman ang grupo ni Katrina sa kanilang second destination sa bansang Kuala Lumpur Malaysia.  Sa pag iikot nila sa nasabing lugar marami ang naka recognized sa kasikatan ng aktres mga kapwa pilipino na sumu-subaybay sa programang "Ysabel" kung saan kontrabida role ang character ni Kat sa nasabing serye na umere sa GMA network ng halos pitong buwan last June hanggang January may titulong "Sa Piling Ni Nanay".  Na meet ng aktres ang kanyang mga fans sa Malaysia at mga viewers ng nasabing serye na bagamat kontrabida ang role ng aktres mainit pa rin ang pagsalubong sa kanya ng mga tagahanga na labis naman niyang ikinatuwa.
KUALA LUMPUR , MALAYSIA
KABABALIK lang ng aktres sa Pinas nang amin siyang makausap via fb messenger. Ayon kay chiqui (palayaw niya), ngayong nakapag recharged na siya at nakapag relax handa na siyang harapin muli ang panibagong hamon sa kanyang career na one these days ay magsisimula na siyang mag taping ng panibago niyang show Kapuso GMA 7 hindi pa nga lang puwedeng ibigay ang buong details kaugnay ng bago nitong project sa nasabing istasyon.

Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment