CLIQUE5 ANG BAGONG BOY GROUP NA KAHUHUMALINGAN NG KABATAAN


HINDI naman pala nakapagtataka kung bakit disidido ang 3:16 Events and Talent Management Company  na sugalan at i build up ang bagong boy group na CLIQUE5 na binubuo ng limang talented na sina Marco, Karl, Sean, Clay at Josh.  Kaya naman pala ganu’n na lang ka pursigido ang kanilang manager na sina Kathy at Len ay talaga naman palang may ibubuga ang grupo hindi lang sa pagsayaw kundi magaling din silang na mga singer.
Bago pala sinalang sa recording ang Clique5 ang daming proseso na pinagdaan ang grupo , puspusan ang kanilang pag wo workshop sa PETA at maging sa voice lesson at personality development sumalang din ang lima para mahinog ang kanilang ability.
Ayon sa kanilang manager na si Kathy at Len “ Ayaw namin na half baked o hilaw ang CLIQUE5 kapag sinalang naming sila …gusto naming prepared sila at ready sa papasukan nila,” paliwanag ng kanilang Talent Mangement.
True enough, hasang hasa na nga ang CLIQUE5 ng humarap ang lima sa kanilang launching just recently. Ipakinata ng nasabing grupo sa harap ng press people ang kanilang mga kakayahan  bagay naman na ikinahanga ng lahat dahil talagan naman palang may mga itinatagong talent ang lima na puhunan ay pagsayaw at pagkanta.
Ang naturang launching ay kaugnay ng kanilang digital Christmas song entitled “Tuwing Pasko” na nilikha ng award winning songwriter na si Joven Tan. It was said that the award winning composer will also contribute ang hugot song na “Bakit Hindi” at ang upbeat na “Puwede ba, Teka Muna” ata ang kanilang unang album will released in early 2018.
Ang apat na members ng grupo na sina Josh , Karl, Sean at marco ay pawang mga produkto ng artista search na Circle of 10 na naglunsad sa mga sikat nating mga artista ngayon sa kasalukuyan. Among the others ..si Clay lang ang hindi graduate ng Circdle of 10 pero siya ang nagssisilbing poste ng  nasabing grupo kung saan siya ang isa sa lead vocalist ng CLIQUE5. 
Malaki ang posibilidad na masungkit ng grupo ang tagumpay sa larangan ng industrya kasi nga’y there no limited pagdating sa kanilang talent. Kahit saan sila isabak puwede silang isalang kahit sa pag arte , pagsasayaw at pagkanta na bibihira sa ibang boy group at yu’n ang edge ng grupo  diba Dominic
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment