KUNG aspeto ng pag ibig ang pag uusapan nananatiling sarado
pa rin ang puso’t isipan ng actress na si Katrina Halili. Kahit pa marami ang
nagpaparamdam at umaaligid sa aktres , wala pa raw siyang time na bigyan ng
pansin ang kanyang buhay pag ibig kahit na 6 na taon na siyang loveless mas nag e enjoy daw umano siya sa takbo ng
kanyang buhay bilang single Mom at maging sa takbo kanyang career.
“Waley. Manhid na po ako.Six years na po akong manhid.Wala
pa po talaga sa isip ko ang mag-love life. Mahirap sumuong sang bagay na hindi
kapa talaga handa. Isa pa kuntento na ako kung ano meron sakin . Bata pa po
ako,” natatawa niyang hirit ng isa sa bida sa seryeng “The StepDaughters” with
Megan Young.Ngayong mag lilimang taon na ang kanyang anak na si Katie walang
bang plano si Katrina na masundan ito at magkaroon ng kapatid?
Sa taglay na kagandahan at ka seksihan ng aktres na si
Katrina marami hindi naniniwala na wala itong suitors.
“May mga tinanggihan akong dates. 'Di ako ready. Parang
feeling ko, waste of time.Kasi nga, hindi pa ako ready. Personally, hindi ako
ready.Parang wala akong time na ibibigay sa kanila.
“Ang akin ngayon, goal ko is i-enjoy ko muna ang time ko for
myself. I-love ko muna yung sarili ko.Kasi, parang dati, hindi ko nagawa ito.
I-enjoy ko muna ito.Masarap palang mahalin ang sarili. So, siguro, next time,
makakahanap din ako ng taong magmamahal sa akin pag mahal ko na yung sarili ko.”aniya.
Sa ngayon, busy si Katrina sa taping ng kanyang pinaka bagong show sa GMA 7 ang “The
StepDaughters” na nakatakda nang ipalabas sa darating na Feb 12, 2018. Masaya
si Kat sa pakikipagtrabaho hindi lang kay Megan kundi maging buong cast ng
nasabing serye at sa buong staff nito.
“Wala po. Wala po sa isip ko yun. Hindi po kaya gawang biro
ang magka anak . masarap na mahirap. Pero balak
ko naman, next time, pag mga 35 na ako. Sa ngayon, nag-e-enjoy po ako na
mag ipon. I-settle ko muna lahat! Pag OK na ako, saka ako magla-love life!.Ano,
e... medyo nag-mature na. Dati kasi, love life, todo, e! Dati, ayokong
mag-work.So, ngayon, mahal na mahal ko ang work ko. Gusto kong mag-ipon nang
mag-ipon nang mag-ipon!.Balewala sa akin ang mga boys na ‘yan!”,”sabay tawa ni
Kat.
“So far unexpected yung pagiging closeness namin ni Megan.
Dito nagsimula pagiging close namin, Masaya kasi lahat kami sama sama para
kaming buong pamilya. Kahit na mga staff napakababait nila sa akin.” Ani Kat
THE STEPDAUGHTERS FAMILY (KATRINA NA SURPRISE SA KANYANG BIRHTDAY |
“Yes! Kasi ano, kahit
din naman siya, nagulat din siya.Sobrang close kami, sobrang... ewan ko,
sobrang sweet sa isa’t isa. Para kaming magkapatid. As in... parang magkapatid
kami talaga. Naaaliw siya sa akin. Cute daw kasi ako, e! Charot! Ang cute-cute
din naman kasi niya!
“So, parang nakakita ako ng kapatid, and siya rin. So, happy
kami sa set. Nakakatuwa, kasi, nakaka-excite din. Alam ko na magiging maganda
ang project namin dahil magtutulungan kaming dalawa.”
“Gusto ko din pong magpasalamat sa “The StepDaughters”
family sa birthday surprise, talagang na
surprise at nagulantang ako, akala ko may ginawa akong mali at bigla akong
tinawag ni ate (isa sa staff). Salamat sa masayang awitin at pa cake, higit sa
lahat sa pagmamahal..,”pagtatapos ni Kat na nag birthday last Jan 4.
Blogger Comment
Facebook Comment