Nakaktuwa naman dahil
matapos ang mahigit isang taon pagkapiit sa kulungan ng magaling na actor na si Mark
Anthony Fernandez sa Pampanga nakalaya ang dating alaga ng yumaong Douglas
Quijano na original member ng “Guwapings” . Sa paglaya ng actor bakas sa
kanyang mukha ang saya na lumabas ng kulungan kasama,ang malalapit niyang
kamag anak Matapos ang mahigit isang taong pagkakakulong, nakalaya na ang aktor
na si Mark Anthony Fernandez.
Ating matatandaan kung
di kami nagkakamali noong nakaraang taon nakulong ang actor sa kadahilaanang
nahulihan daw umano ng 1kg na marijuana na dala dala ng actor sa sarili niyang
sasakyan sa Angeles City.Mahigit isang taon din ang binuno ng anak ng dating action
star na namayapang si Rudy Fernandez at aktres na si Alma Moreno.
Marami ang nagbunyi lalo
na ang kanyang pamilya ng inanunsyo na dismissed na ang kasong isampa sa kanya ng batas ang illegal drugs dahil sa kakulangan ng ebidensya, pero dahil sa pagiging agrisibo ng actor at hindi
tamang pakikiharap sa mga nag checkpoint na pinakitang hindi magandang asal,
kasong paglabag na lang sa article 151 ng Revised Penal Code ang haharapin ni
Mark.
Itinanggi
rin ni Mark Anthony ang mga aligasyon sa kanya na diumanoy naka buntis siya ng
dalawang Jail Polis officers habang siya ay nakapiit sa kalungan. Mariing niyang pinabulaanan
ang isyung ito na nag viral sa social media.
May
magandang balita rin naman sa actor matapos ang kanyang paglaya aba balik
showbiz na naman ang anak ni Alma Moreno. Dapat lang na ito ang pagtuunan niya
ng pansin na buhayin ang kanyang career dahil isa si Mark sa masasabi kong
magaling at dekalidad na actor . Kahit pa on and off kanyang career ang pintuan ng
showbiz ay laging nakalaan at nakabukas para sa kagaya niyang may ipagmamalaki
pagdating sa aktingan.
Infact
he singed a contract with VIVA Artist Agency just recently at plano ng Viva na
gumawang ng sang movie para sa pagbabalik tambalan ng dating magkasintahan na
sina Mark Anthony at Claudine Baretto. Hindi pala plano kundi its confirmed ang
reunited ng dalawa ayon sa nakausap namin na Viva insider . Yan ang pakaka
abangan natin ang muling pagbabalik ng Matinee idol na si Mark at ang pinag
uusapang tambalan nilang dalawa ni Claudine.
Blogger Comment
Facebook Comment