When something good happens other good things usually happen
at the same time!Akmang akma ang kasabihang ito sa takbo ng career ngayon ng
anak nangg actor na si Gary Estrada and Cheska Diaz na si Kiko Estrada. After the
success of “My Fairy Tail Love Story” who got involve in a love triangle with
Janella Salvador and Elmo Magalona, kasunod nito ang pag lagare niya sa pelikulang
“My StepMother ‘s Lover” with Sunshine Cruz
at ang youth oriented movie na “WALWAL” ng Regal Films sa adireksyon ni
direk Joey Reyes. Simple lang naman ang naging sagot ni Kiko nang matanong namin
siya kung bakit mukhang sa hanay ng mga kabataang artista ngayon isa siya sa
pinaka mabenta sa pelikula.
“GINAGALINGAN LANG PO,’
ang dahilan ng actor na tanging naging inspirasyon niya sa kanyang
pagpupursige ay ang kanyang ama na
nakilalang isa sa magaling na actor na si Gary Estrada.
“Gusto ko masundan
ang yapak ng Dad ko na nakikila sa larangan ng pelikula. Hindi lang sa side ng Dad ko kundi maging sa side ng Mom
ko . Dugong artista ang pinagmulan ko kaya people expecting me when it comes to
acting kaya ginagalingan ko,”paliwanag ni Kiko na ngayo’y nag so shoot na nang pelikulang
“WALWAL”ng Regal Films kung saan kasama niya sina Donny Pangilinan, Jerome Ponce at Elmo
Magalona. F….ck boy ang role dito ng gawapong actor usong usong kasabihan
ngayon ng mga kabataan..meaning chickboy, babaero.
“Siyempre gusto naming i-tackle ang issues na ‘yon. Kung
ganoon ka ba puwede kang magbago? Kaya mo bang magmahal ng tunay pag ganoon ka?
May game changer ka ba? Feeling ko relevant ngayon ‘yung f***ck boy, bigo sa
pag-ibig iniwanan dahil tibo pala ang gusto ng babae.
“We tackle about friendship, life and I think, sabi ni direk
na dream project niya ito, it’s because it’s about teenagers finding themselves
through life,” isplikapa ni Kiko sa
movie.
Pero dipensa naman ni Kiko na sa pelikula lang siya F….ck boy at hindi sa totoong buhay. “Hindi po. Mabait po ako. Laki sa kumbento!
Ha! Ha! Ha!”pabirong sabi niya.
“Siguro po hindi matatawag na f..ck boy yung maka ranas ka
ng minsan o pangalawa. Natural lang siguro lalake yun. I guess ganoon naman
yata lahat ng lalaki. Sabi nga ng nanay ko, pag single ka, enjoy. Once you’re
in a relationship, stick to one.
“Nagmamahal lang ako
nang tunay! Napamahal lang ako! Kung nabansagan man tayo ng ganoon eh, hindi
naman talaga. Tunay lang tayong magmahal!. Pagdating sa pag-ibig, ibinibigay
ibibigay ko lahat, pero ngayon ayokong ibigay lahat. Kasi natatakot na ako
ibigay lahat siguro kailangang hindi walwal magtira tayo para sa sarili natin.”ani
kiko.
“Kabado nga ako. Actually ‘yung dating ng nanay ko is added
pressure. Siyempre kailangang galingan ko. Sa storycon ko lang nalaman na
kasama siya. So kaba, excitement kung paano namin paglalaruan with my Mom. I’m
so blessed na ang mom ko ang kaeksena ko.
“Siyempre kahit papaano malaking advantage sa akin yun na
mommy ko yung ka eksena ko . Although nakakailang pero mas okej sa akin yun
dahil may mag ga guide sa akin. Alam naman ng mommy ko na nagsisismula lang tayo
kaya mas pabor sa akin yun,”bulalas pa ng actor.
Sa huling hirit na tanong namin sa actor ay ang tungkol sa
title ng nasabing pelikula . “WALWAL” nga ba ang isang Kiko pagdating sa inuman
kasama barkadahan?
“Hindi po. Tinuruan kami ng tatay ko na know how to hold
your liquior. Hindi ako pala inom occasionally okej pero yung walwal talaga,”pagtatapos
niya.
0 comments:
Post a Comment