CELEBRITY FUN RUN NI ARA MINA GAGANAPIN SA MAY 27 SA PHILIPPINE SPORTS ARENA. LAYUNIN NG "TARA NA SA ARENA" AY MAKALIKOM PARA MATULUNGAN ANG MGA BATANG MAY DOWN SYNDROME


ISA sa pinag-uukulan ng panahon ngayon ng aktres na si Ara Mina ay ang kanyang bagong project na "tARA na sa ARena 2018", isang celebrity fun run na gaganapin sa May 27 sa Philippines Sports Arena. Sa event na ito pangungunahan of course ng aktres ang pagtakbo kasama ang piling celebrities at mga participants and this is open to the public. Ang layunin ng proyektong ito ay makalikom ng halaga para matulungan ang mga batang may Down Syndrome.
“With this fun run, gusto naming maka-raise ng funds para marami pa tayong maisip na mga projects at activities para sa mga mahal natin sa buhay na may ganitong kalagayan. May ilang ininbitahan din akong may ganitong kalagayan na isali sa ganitong activities para ma i treat natin sila na normal,"ani Ara.

Noon pa man sadya nang malapit sa puso ni Ara ang mga bata lalo na ang may mga sakit na Down Syndrome. Kasi nga'y may ganitong sitwasyon din ang kanyang bunsong kapatid na si Batching (Mina Princess Klenk-real name) na may DS na itinuturing ni Ara na ma suwerte sa kanilang buhay.
  “She’s malambing. Pag birthday ko, kakantahan niya ako ng “Happy Birthday” at sasabihan niya ako ng ‘Ate, I love you,’ tapos ihu-hug ka niya,” she intimated. She considers Batching, who has a showbiz crush on Paulo Avelino, her lucky charm, too.
 “Noong ipinanganak siya, doon ako natanggap na mag-artista. I think, she’s my lucky charm. Kasi, noong wala pa siya sa buhay namin, ilang auditions ako, hindi ako matanggap. Nag-audition ako sa  Ang TV hindi ako natatanggap kasi wala pa siya. Noong ipinanganak siya, nag-audition ako sa That’s Entertainment, pumasa ako. Noong ipinanganak siya, ayun, nagkasunod-sunod na…and the rest is history. Kapag nga siya ang tatanungin kung kanino siya sasama, it’s either Holy, iyong brother ko o sa akin.

 “To be honest, medyo mahirap noong una, kasi they have tantrums, as in talagang nambabalibag sila o nananakit kaya dapat lakasan natin iyong activities nila at i-treat natin sila as normal. Mas hirap din ang mommy ko kasi pag nahihirapan siya pinapasa niya sa akin, pero nasanay na naman kami and we see her as God’s gift and blessing.
“Mahirap ang kanilang sitwasyon at kailangan nila ng kalinga at pang-unawa. It’s also an awareness campaign para sa mga magulang at mga kapatid kung paano nila aalagaan ang mga taong may down syndrome na very useful naman dahil ang iba sa kanila ay nagtratrabaho na, naka-graduate na at maraming special skills na naging productive,” pahayag pa ni Ara.
Kaya sa mga interesado sa event na ito, mag register online sa www.runrio.com or at the following registration sites: Toby's Sports, HazelBerry Cafe and Philippine Arena . Beneficiary ng project ni Ara ang Down Syndrome Association of the Philippines.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment