According to Ogie nang makausap namin just recently sa
Hungry Samurai sa Tomas Morato sa mahabang panahon daw na nilagi niya sa
showbiz wala daw siyang regret at naging happy siya sa naging takbo ng kanyang
career. Kaya naman naitanong namin kay Ogie kung wala ba siyang planong
magpahinga o mag retire sa mundong kanyang ginagalawan?.
“I think, sa music talaga ang pinakamalaking contribution
ko. Hindi ko nga namalayan, 30 years na pala ang nakalipas kasi nage-enjoy
naman ako. And I won’t retire.”saad ni Ogie sa aming interview kaugnay ng
kanyang 30th anniversary concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa
August 24.
“Lagi ko ngang sinasabi darating naman ‘yung time na ‘yun
but hindi pa sa ngayon mahal ko ang pagkanta…alam mo na ! For me kasi…hindi ako
takot malaos. Kasi hindi naman yon yung… hindi ko nga alam na sisikat ako, eh.
“Sa totoo lang, enjoy lang ako sa ginagawa ko. Tapos, sanay
ako sa hard work kaya kung anuman, kung saan man ako ilagay okey lang, okey
lang sa akin.”
“Darating yon, yung panahon na hindi ka na pinagkakaguluhan.
Darating yung panahon na pag pinakilala yung pangalan mo, yung palakpak mahina
na, hindi nagtitilian.
“Darating yung panahon na ang billing mo, hindi ka na main,
maliit na lang… alam mo yon? At medyo nararamdaman ko na rin minsan yon and it
doesn’t bother me at all. Serious ako, ha… serious ako,” dagdag pa niya.
“Pero.. hindi. I will
never retire, hangga’t humihinga tayo. I will never stop being an entertainer
because that’s my life. Hindi ako mabubuhay ng walang ano… But I’ve to admit,
mahilig akong magnegosyo,” lahad pa niya.
Speaking of negosyo isa raw ito sa pinag kakabalahan ng
singer actor kung saan ibinahagi niya ang
kanyang mga business nila ng kanyang wife Regine Velasquez.
“I have restaurants (Hungry Samurai – kung saan ginanap ang
kanyang pocket interview). I have Ryu Ramen, I have A Team, we produce
concerts, we’re co-producing films. And then, meron kaming negosyo ni Regine,
it’s called Green Food. It’s gourmet tuyo na mina-market namin ngayon at
sobrang mabenta. Then I have a sound and light company called Thunder and
Lightning, we’re going to use that din sa Araneta concert ko at nagsu-supply
din kami sa ibang concerts and parties. Pero meron din naman akong mga failed
businesses,”
Sa nalalapit na major concert ni Ogie sa August 24 kasama
niyang mag pe ferfomed ang kanyang three kids in a special number sa “OAConcert30”
at Araneta Coliseum. Sila Leila at Sarah na anak niya sa kanyang first wife na
si Michelle VE at si Nate na magpapakitang gilas na anak niya sa kanyang
current wife na si Ms Regine Velasquez.
“Masaya at makakasama ko ang mga kids ko sa concert ko .
Lalo na si Nate na may pagka bibo . Actually nakakabigla nga kasi .. may plano kami ni Regs na sabahin kay
Nate ang totoo about my past relationship pero nagulat nalang ako olne day when
he told me, ‘Papa, you were married pala to Tita Michelle,’” kwento ni Ogie.
“And I said, yes, how did you find out? Ang sagot sa’kin, ‘I googled it.’ Iba
na talaga ang mga bata ngayon, di ba?.”
“Basta don’t miss it kasi ang opening number pa lang,
pasabog na. We’ll have an overture of the songs I’ve written with 80s dancers
performing. Gusto ko kasi, maging very festive ang atmosphere.”
Sa 30th Anniversary Concert ni Ogie sa August 24
8PM featuring ang ABS CBN Philharmonic Orchestra, with Special Guests sina Vice
Ganda, Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira, Leila,
sarah at Nate Alcasid ,Bansot Mee and Ms Regine Velasquez Alcasid . This is
directed by Paolo Valenciano and with the musical direction of Maestro Gerard
Salonga
Now that we’re all set , we’re just waiting for you! Buy
Your Ticket now !! call 911-555 or visit www.ticketnet.com.ph
“OGIEALCASID30” ‘OA”.
0 comments:
Post a Comment