RITZ AZUL AMINADONG NBSB, PERO HANDA NANG MAG ENTERTAIN NG MANLILIGAW!


Nang kapanayam namin ang leading lady ni PEPE HERRERA sa pelikulang “The Hopeful Romantic” ng Regal Films , naging very vocal sa pag amin ang kapamilya actress na si RITZ AZUL sa takbo ng kanyang buhay pag ibig. Amindo ang aktres na NBSB meaning (No Boyfriend Since Birth) pero ganupaman umaasa at naniniwala siyang darating din ang time na makakatagpo siya ng lalaking mamahalin.

“Actually, hindi lang siya ang priority sa kin. I know na darating din naman siya kahit hindi mo hanapin at yung tamang panahon,”entrada ni Ritz

“Lumaki kasi ako na hindi lang siya priority. Noon kasi bahay eskuwela lang ang nakalakihan ko. Kahit noong nag aaral ako ng high school hindi siya yung naging buhay ko. Sa totoo lang yung mga guys na kaibigan ko kalaro ko pa sila sa basketball,”sabay tawa ng aktres.
If ever daw na dumating ang time na magkaroon siya ng Bf sisiguraduhin ng aktres na serious relationship at pang long term relationship at hindi short lived romance.

“Ang relasyon kasi is a big responsibility for me.Gusto ko kung papasok ako sa isang relationship yung maiintindihan ako ng guy..cowboy kasi ako at yung maiintindihan at masasakyan ako.

“Pero ngayon may ini-entertain na ako, dating and he’s not from showbiz. Nag-start lang sa barkada. Hindi ko binibilang yung romantic date. Sabi ko nga, cowboy kasi ako, eh. Mostly nga kasama naman yung friends, eh,” patuloy niya.

“Well, let’s see. Hindi naman po ako nagmamadali. Kumbaga, bahala ka mang intindi kung itutuloy mo ba o hindi.”pagtatapat pa ng aktres.

Sobra ang saya ni Ritz sa bago niyang major movie with Pepe Herrera. Panay ang pasasalamat ng aktres sa tiwalang pinagkaloob sa kanya ng producer na si Mother Lily Monteverde na ipalalabas ngayong Sept 12 nationwide. Especially sa kanyang leading man na si Pepe.

“Iba yung sense of humor ni Pepe. Masarap siyang kausap at enjoy ako habang ginagawa namin ang pelikula. Siyempre enjoy din ako sa naging role ko sa movie bilang si Veronica na magbibinyag kay Pepe.

“Socialite, gold digger, liberated. Actually, sobra siyang kabaligtaran sa personality ko kaya naroon ang challenge,”paglalarawan pa ni Ritz.



The Hopeful Romantic opens September 12, 2018. The funniest romantic film of the season is directed ny Topel Lee.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment