ARJO ATAYDE NATUPAD ANG DREAM NA MAKAGAWA NG ISANG LOVE STORY SA PELIKULA! "I'VE BEEN WANTING TO DO A ROM-COM MOVIE. I WANTED TO DO A LOVE STORY SA PELIKULA O SERYE," ARJO


Image may contain: 1 person, smiling, text
Kung popularidad ang pag uusapan namamayagpag ngayon ang career ng award winning aktor na si Arjo Atayde na bida sa pelikulang Stranded ng Regal Entertainment. Lahat na yata ng roles ay nagampanan na ng anak ng batikang aktres na si Sylvia sanchez.

“Masaya ako. Masaya ako. Kakaibang mga proyekto ang mga binibigay sa akin. Mabait, masama, may weird, at hindi ko alam kung saan pa ako dadalhin ng mga gusto kong gawin. Yeah, I’m very happy,” entrada ng aktor.

Pero ayon kay Arjo bagamat marami na siyang nagawang movie, ang pelikulang Stranded daw umano ang masasabing niyang pinaka markado na nagawa niya.

“This is also a break for me coming from those really intense roles. Finally, sabi ko kung ano ang natutunan ko sa ‘Tol, sa Stranded, puwede pala akong makauwi nang nakangiti,” sabi pa ng aktor.

Abvious naman na isa si Arjo sa pinaka busy'ng aktor ngayon sa kasalukuyan, kaliwat kanan ang kanyang pinagkaka abalahan ma pelikula at tebisyon.

“It’s actually a busy year for me, but I’m very thankful. I’m overwhelmed. Nakakapagod siya pero it’s a blessing, so why should I complain.

“It’s very,very hard for me. I can’t really explain what I go through on a weekly basis. Tomorrow, I’m Bagman. Tomorrow I’m Stranded. Tomorrow, I’m Elai in General’s Daughter. It’s so tiring but I won’t say that I would not want to do it again,” aniya.

Iba raw siguro kapag inspired ang isang tao ganado at walang kapaguran. Ang rumors ang girlfriend nga kaya niya na si Maine Mendoza ang reason kung bakit masipag at inspirado sa trabaho ang binata?
Image may contain: 3 people, people smiling

“Of course, every human being is happy to be inspired and working at the same time,” ani Arjo

"Kahit na ba-bash im not affected sa mga bashing ng mga tao sakin ..wala akong pakialam dun..trip nila yun , kaya di ko dapat patulan ,"hirit ni Arjo.

Na-kwento rin ni Arjo na first time pala niyang gumawa ng isang rom-com movie , kakaibang movie na tiyak na magpapakilig sa kanyang mga followers with Jessy Mendiola ang "Stranded" na showing on April 4 nationwide.
Image may contain: 4 people, people smiling, text
“Stranded is a love story. I’ve been wanting to do a rom-com. I wanted to do a love story na pelikula or serye and, finally, I was given the chance. I really waited for this kasi, sabi ko, if ever I come out in a romantic film, gusto ko kakaiba iyong kuwento, kuwentong hindi pa nakukuwento sa Philippine cinema, and finally it’s coming out on April 10.

“I’m very, very excited. I promise you, hindi pa ‘to napapanood ng mga Pilipino at something new talaga” kwento pa ng aktor.

Papel ni Arjo bilang si Spencer, isang happy go-lucky guy na nakulong sa isang building kasama ang isang konserbatibong babae nang gabing bumabagyo at bumubuhos ang malakas na ulan ang role ni Arjo sa pelikulang “Stranded.”

Mula sa direksyon ni Ice Idanan ,kasama din sa “Stranded’ sina Miko Raval, Mich Laggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at maraming iba pa.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment