Mayor Arthur Robes and Congresswoman Rida Robes magtatayo ng Culture and Arts Building for the City of SJDM para sa mga kabataang may abilidad sa sining!

Matagumpay na idinaos ang pagtatapos ng taunang 4thTanglawanFestival2019 and 19thCityhoodAnniversary last Sept 10 ,2019 kasabay ng Art Gallery ribbon cutting ceremony sa lunsod ng San Jose, Del Monte Bulacan ,hatId ng ating magiting na alkalde Mayor Arthur B Robes and his wife congresswoman Florida Robes .
Ang Museum opening ay tanda ng pagkilala at maipamalas ang angking galing ng mga batang millennials sa pagguhit..daan upang buhayin at bigyan pansin ang sining at kultura sa nasabing bayan!
"Syempre itong ating mga artist at maging ang ating mga Kabataang artist ay ang magbibigay kinabukasan para sa ating Bayan, kaya nga naisip natin na by next year, itatayo na natin ang Culture and Arts Building for the City para unti-unti na talaga nating matulungan ang ating mga kabataang mahilig sa sining." Ito ang naging mungkahi ng ating Punong Lungsod sa pagbubukas ng Tanglawan Gallery sa ika-sampung araw ng ating 4th TANGLAWAN FESTIVAL na inilunsad sa SM City San Jose del Monte. ARya para sa Sining at Kultura, ARya San Joseño!
"Alam n'yo ang ating Mayor mahilig sa Art kaya Arthur ang kanyang pangalan,"pabirong sabi ni Congressman Florida.
"Napansin namin na maraming batang may talent sa pagguhit. Magaganda ang kanilang obra na kailangan nating bigyang pansin at bigyan sila ng chance ma explore nila ang kanilang abilidad sa sining.
"Sila'y mga istudyande 14 pataas na talagang gusto naming ibahagi ang kanilang talino sa pagguhit.
"Siyempre tayo di lang pag papaganda ng bayan,gusto rin nating tutukan ang kabataan dahil kasama sila sa magbibigay liwanag at ningning sa bayan.... mga batang artist na hatid ay kinabukasan sa ating lunsod.
"Tayo naman ipinapakita natin at ipinaparamdam natin ang ating magandang hangarin. Mahal ko ang bayan ng SanJose Del Monte. At ako'y may takot sa Dyos,"sambit pa ng ating mabait na Congresswoman Rida Robes.
Lubhang kahanga hanga ang combination nina Mayor Arthur Robes at Congresswoman Florida Robes sa pamamagitan nila, ang lunsod ng San Jose Del Monte ang bagong title holder bilang Largest Lantern parade sa buong mundo ,Guinness Book of World Records kung saan na break ng nasabing lunsod ang world record sa bansang Singapore last 2017 sa naging main highlights ng kanilang activity Tanglawan Festival.
Kaya naman ngayon palang ay pinaghahandaan na nila ang paglahok nila sa United Kingdom this coming Dec.
"Ang tagumpay ng kaganapang ito ay tagumpay para sa lahat ng San Joseño, "sabi pa Congresswoman Florida" Rida "Robes.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment