Isang British film producer at medical scientist ang current boyfriend ngayon ni Lovi Poe na si Montgomery Blanco na naka base presently sa USA according sa aktres nang huli namin siyang naka tsikahan sa mediacon ng kanyang bagong movie The Annulment with Joem Bascon.
Kuwento pa ng alaga ni Leo Dominguez kaya pala siya nawala pansamantala sa limelight ay dahil binigyan niya ng time ang kanyang love life para makasama ang kanyang (BF) . Siyempre masaya ding ibinalita sa amin ni Lovi na nag enjoy siya sa piling ng kanyang kasintahan na kung ilang buwan din niyang naka bonding.
Ngayong back to normal na naman ang career ni Lovi at para sa aktres hindi naman daw mahirap para sa kanya ang mawalay sa piling ng boyfriend. Kasi nga 'y LDR or Long Distance Relationship ang drama ng kanilang relasyon sa kasalukuyan.
“Constant naman ang communication namin. Malaking tulong talaga ang internet sa LDR kasi wala, parang nandiyan din lang siya sa ‘yo,” Aniya.
"Since he knows everything about me and job so, wala nang problema sa Kanya.
“Actually, I love na naiintindihan niya ang trabaho ko. Iyon namang pagpapaseksi, it’s just that you’re just doing your job and you’re doing serious acting.
“Kasi in a relationship, there are things that are negotiable and non-negotiable. I guess, being a good person is non-negotiable, pati na yung sense of humor. I think, having a good heart and soul is also non-negotiable.
“Yung right amount of love and understanding is also. Iyong negotiable to me would be iyong physical aspect. Siyempre, it’s already automatic, my career is one of my priorities. I don’t go out with who would dictate me what I’m doing, but I believe in compromise,” isplika pa ng aktres.
Isa ang tanong ng lahat kay Lovi kung may plano na ba silang pakasal ng kayang current BF?
“I don’t know. We don’t talk about it. We’re just enjoying what we have now.
“We enjoy each other’s company. We make sure that we are part of each other’s lives. Last August, I toured him sa beaches like Boracay. Na-meet na rin siya ng Mommy ko.
Ang TheAnnulment ang unang movie na nagawa ni Lovi nang magbalik showbiz ang aktres. Isa daw ito sa ipinag mamalaking pelikula ng alaga ni LD na mula sa Regal Films na nakatakdang I showing sa November 13 nationwide.
“It’s a highly relatable movie about people in a relationship. Yung pinagdadaanan na challenges at trials ng kanilang relasyon, from courting, to decision to get married to honeymoon hanggang naging whirlwind romance, falling out and eventually, that painful decision to seek annulment."nakangiting pagtatapos ng aktres.
- Blogger Comment
- Facebook Comment
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
-
Limang taon din ang isinakripisyo at pakikipaglaban ng komedyanteng si Vhong Navarro sa kasong isinampa ng actor sa mga taong yumurak sa ...
-
Matagal na sanang gustong ipagpatuloy ni Andre Yllana ang kanyang pag aartista na naging on and off , pero dahil nga sa mas iginugol niya an...
-
Dahil sa pagiging busy ni re-electionist candidate senator JV Ejercito ang panganay na anak na si Emilio ang nag proxy sa kanyang ama s...
-
ANG pelikulang "Anak Ng Macho Dancer " ang naghatid kay Sean De Guzman sa panibago niyang career sa industrya. Naging malaking bre...
-
ISANG celebrity fun run na tinawag ni Ara Mina na "tARA na sa AReNA 2018" ang nakatakdang gawin ng aktres sa May 27,2018 na ...



0 comments:
Post a Comment