KATRINA NAGPAPASALAMAT SA TIWALANG BINIGAY NG GMA 7 SA BAGO NIYANG KARAKTER SA NANGUNGUNANG SERYENG PRIMA DONNAS

Kilala ang aktres na si  Katrina Halili hindi lang sa kanyang angking ka seksihan kundi nakilala din ang aktres bilang isang magaling na  kontrabida bagay na nagkaroon siya ng sariling identity sa kanyang mga character sa telebisyon na tumatak sa isipan ng madla. Kung ilang taon din na umikot ang career ng aktres sa pagiging kontrabida at dahil nga sa na typecast ang aktres sa ganitong role,  inakala ng aktres na dito na masasadlak ang kanyang career at di na siya mabibigyan ng chance na makasungkit ng ibang role.
Kaya labis ang pasasalamat ng aktres sa aportunidad at pagtitiwalang ibinigay ng GMA 7 sa bago niyang karakter sa nangungunang serye sa afternoon prime ang  Prima Donna's na nag re rating , simple at mabait ang kanyang role na nasabing serye na taliwas sa dati niyang nakaugaliang role.
"Naging malaking tulong sa career ko ang pagiging kontrabida role dito ako nakilala ng tao.. tumatak na sa isip nila yung mga kasamaan at kamaldithan ko istorya, enjoy naman ako so far sa dati kong mga karakter  and I have no regret. Never akong natakot na ma typecast sa pagiging kontrabida kasi para sa akin mas challenging at  laging may project, "ani Katrina.

Katrina does not mind being typecast in ‘kontrabida” roles

"Ang haba na kasi ng naging journey ng career ko sa pagiging kontrabida at dahil diyan marami nang nagbago sa buhay ko.
"Kaya nga dito sa Prima Donnas nakakapanibago sa dati kong ginagawa. Kung dati ako yung nag mamaldita't nang aaway ngayon ako yung inaaway at kinakawawa dito ni MS Aiko Melendez as Kendra. Mataas naman yung rating namin so it means tanggap din ako ng televiewers sa bago kong karakter.
"Happy ako na nabigyan ako ng chance na gumanap na  taliwas sa nakasanayan na ng mga tao na role ko, naging challenge din talaga sakin ang role ko bilang Lilian ng Prima Donnas, dahil nakasanayan na ng tao na lagi akong nang-aaway o nagmamaldita. Nagpapasalamat siyempre ako sa GMA sa opportunity na ibinigay nila sa akin, at salamat din sa sumusubaybay sa Prima Donnas,"pagtatapos ni Katrina ang isa sa bida sa pinag uusapang seryeng pang hapon Prima Donnas with Wendell Ramos and Aiko Melendez.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment