MARCO GUMABAO MAPUSOK ANG MGA EKSENA WITH LOVI POE SA PELIKULANG "HINDI TAYO PWEDE"


Magbabalik muli sa widescreen ang Viva hunk actor na si Marco Gumabao sa sexy romantic drama na “Hindi Tayo Pwede.” kung saan kasama ang isa pang hottest actor nasi Tony Labrusca at ang primera actress nasi Lovi Poe.

Hindi pa man nai papalabas ang nasabing movie naging word of mouth na ito sa SOCMED ng mga netizens dahil umano hitik daw ito sa mga maiinit na eksena nina Marco at Lovi bagay na inaabangan hindi lang mga moviegoers kundi ang kani kanilang mga tagahanga.
Pero marami ang nagtataka kung bakit bilang isang hottest young actor at ini idolo ng mga kabataan ngayon ay na ta typecast daw sa sexy films.
“For me, I think, it adds motivation whenever people expect us to be… na parang pag nakita kami ‘ah, sexy movie lang iyan, wala namang acting.’ For me, it’s a motivation to show them… to surprise them that you could give something because iisipin nila na , ‘ah, hindi naman maganda iyan, puro paganda lang ng katawan iyan. But when you watch the movie, magugulat sila. So, for me iyon iyong motivation that I hold on to. It’s not really proving them wrong but just showing them that we could do kung ano iyong hinihingi ng character namin,” aniya.
“And of course, being sexy is also an art. It does not mean that you do something na may love scene, malaswa nang tingnan, because not everyone could do love scenes. It’s very, very hard. People think, it’s easy but it takes a real actor do love scenes properly."dagdag pa niya.
Proud din si Marco at masaya na nakatrabaho niya sa unang pagkakataon ang alaga ni Leo Dominguez na si Lovi. “Lovi is an established artist and she’s really proven herself as a good actress. It’s an honor for me to be given a chance to work with her," bulalas niya.

Naikuwento rin ni Marco na lubha siyang naka relate sa kanilang pelikula dahil base raw sa takbo ng istorya in real life na experience daw umano niya na masaktan at ipaglaban ang pagmamahal.
“For me, malalaman mo naman sa sarili mo like, ikaw rin ang makakapagsasabi kung hanggang saan mo siya puwedeng ipaglaban or how long would you cling to your love para sa taong ito. Actually it depends on everyone, sa iba’t ibang tao. It depends really on every relationship. It’s only you who can say it,"aniya “Hanggang kayang ipaglaban, ipaglalaban mo. May mga obvious signs naman if you see na hindi na naman puwede. May mga tao namang talagang pipiliting mag-stick kahit walang wala na talaga. So for me, it’s really depends.

“Ako for me, kaya kong maging martir at kaya ko ring maging hindi. Depende kung worth it ba iyong taong ito , to risk everything for this person. May mga tao kasing worth it (ipaglaban) at may mag tao rin na hindi, so doon siya nagiging dependent . Kung ang taong ito o babaeng ito , sobrang worth it , magpapakamartir ako nang sobra,” esplika niya.

Ang pelikulang "Hindi Tayo Pwede ay sa produksyon ng Viva Films at mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Ilang araw na lang matutunyahan na natin ang love triangle nina Dennis Gabby at Gabriel in cinemas on March 4 nationwide!
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment