JENNYLYN MERCADO MAINIT NA SINALUBONG NANG MGA PINOY SA TORONTO CANADA


Mainit na sinalubong ng mga kababayan nating mga Pinoy ang aktres na si Jennylyn Mercado sa kanyang show sa Toronto Canada na dinaos last June 24 ,2017 na ginanap sa Metro Toronto Covention Center Hall A, kung saan kasama din niyang nag tanghal ang komedyanteng si Boobay sa Pinoy Fiesta Trade show sa Toronto na project ng mga pinoy sa nasabing lugar Alas Otso palang  nang umaga   marami na ang mga nakapila, bata , matanda at hindi nga raw  mahulugan ng karayom sa dami nang mga pinoy na nag aabang sa show ng aktres na labis namang  ikatuwa ni Jen dahil hindi nito inaasahan  na ganu'n kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga pinoy na na naninirahan sa nasabing lugar. Isa rin si Jen sa mga bisitang pandangal sa coronation night ng Miss Teen Philippines Canada at ang aktres ang inatasang mag potong ng korana sa magiging Miss Phil Canada. Kaya labis na nagpapasalamat si Jen sa mga organizer at mga bumubuo ng Pinoy Fiesta and Trade show sa Canada at mga kababayan nating nakiisa at nakisaya sa show ng Ultimate Star  na  bida sa top rating show ng GMA ang "MY LOVE FROM THE STAR" with Gil Cuerva.Siyempre pa sa GMA pinoy tv at sa Kapuso abroad at mga sponsors, pinasalamatan din ng aktres. by Rico M





Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment