KATRINA HALILI, VERY STRONG PERSON

    PHOTOS COURTESY OF KATRINA FACEBOOK
Sa gitna ng pinagdaanang mga dagok sa buhay ng sexy aktres/kontrabida nasi Katrina Halili heto't di parin talaga natitinag ang aktres sa kanyang pagiging matapang at marunong lumaban sa takbo ng buhay, maging sa kanyang career na halos isang dikada na sa showbiz. patuloy parin pumapaimbulog ang kanyang pangalan bilang isang epektibong kontrabida. Hindi namang lingid sa ating kaalaman na kung ilang beses nang nadapa at nadungisan ang kanyang pangalan isang kontrobersya na akala ng lahat yun na ang katapusan ng career ng nasabing aktres, pero sabi nga , failure is fertilizer of success kaya naman magpahanggan ngayon tinatangkilik at mabango pa din ang pangalan ng aktres sa kabila ng mga nangyayari sa kanyang buhay at pagkabiigo sa kanyang lovelife.
"Naniniwala kasi ako na lahat ng mga nangyayari sa buhay natin laging may dahilan at may mga magagandang pangyayari sa buhay natin,
"Tulad ng mga nangyari sakin before , I've learned my lesson mas naging matibay at maingat na ako sa lahat ng bagay ..and  yung trust isa na yun, mahirap magtiwala.,"paliwanag ni Katrina na isa sa bida sa D' Originals bilang si Yvette na mapapanood sa GMA afternoon Prime kung saan kasama nito sina Jacklyn Jose at Jestonie Alarcon.
Hindi rin pinagsisihan ng aktres kung maaga man siyang nagkaroon ng isang babaeng anak sa singer na si Kris Lawrence , single mom man daw siyang maituturing , happy naman daw siya sa pagiging isang Ina ng kangyang anak na si Katie na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan.
"Simula kasi nang dumating si Katie parang na kompleto na yung buhay ko ..yun..  bang parang wala ka nang hahanapin at nagkaroon ng direkyon ang buhay ko, na fulfill ko yung gusto ko . So happy ako kahit single mom .
" Akala ko nga noon ,end na ng career ko, sabi ko sa sarili ko bahala na mas binigyan ko syempre ng priority yung anak ko tanggap ko na kung ano mangyari..
"Sa ngayon time management lang sa anak ko at sched ko, so far okey naman kasi may "yaya" naman si  Katie,"dagdag pa ng aktres.
Marami ang nakapanood sa guesting ni Katrina sa "Tunay Na Buhay" kahapon ng gabi kasama nito ang kanyang anak nasi Katrence a.k.a Katie at maganda ang naging feedback nito sa viewers at ang napansin ng karamihan ay ang kanyang biglang pagpayat at kaseksihan.

Pero ayon sa aktres aminado siyang nag da diet at avoid more calories para ma maintain nito ang balingkinitang katawan at pagiging isang sexy at maalindog.
"Mahirap mag diet but I have to do this ,kahit na marami ako gustong kainin tinitiis ko talaga , ako na yung gumagawa ng sarili kong  foods  na less calories ,salt and oil. Pero minsan di ko din mapigilan eh. Saka ako din minsan nagluluto ng pagkain ng anak ko.Yun ang na mi miss ni Katie kaya nga minsan kung malapit ang taping pinapadalaw ko sila dun ,"Sabay ngiti ni kat.
   



Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment