"Dito ko lang siya na-appreciate na ang sayang kasama ni LOVI" -Vhong Navarro



Sa grand Press Conference ng pelikulang “WOKE UP LIKE THIS” na ginanap sa Valencia Events Place na surprised ang mga press people at maging ang cast nang nasabing movie sa pinamalas na pasabog ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na  ang akala ng karamihan isang intermission dance group lang ang sasayaw .nagulat ang lahat maging  sina Vhong Navarro at Lovi Poe hindi akalain na si  Mother Lily pala ang lead dancer nang grupo na hataw to the max with shade, and Jersey attire  at sumayaw sa saliw ng DESPACITO !Iba ka talaga mother .
Magbabalik muli ang prime comedian na si Vhong Navarro with leading lady prime actress  Lovi Poe sa pelikulang pinakahihintay ng lahat ang pelikulang magpapasaya at magpapakilig sa inyo bagong putahe , the movie entitled “WOKE UP LIKE THIS” handog ng Regal Films. Unang nagsama ang tambalang Vhong at Lovi sa pelikulang ‘Shake Rattle & Roll ni direk Chito Rono  at first time niyang makakasama ang alaga ni Leo Dominguez na isang comedy na punong puno ng kilig at saya.
“Dito ko lang siya na-appreciate, na ang saya-saya pala niyang kasama, I mean parang tawa lang siya nang tawa sa bawa’t eksena. Ang sarap kasi kapag ‘yung kaeksena mo tawa lang nang tawa kasi lalo kang ginaganahan.
“Hindi lang siya pang acting talagang magaling din siyang comedian . may angas din pagdating sa pagpapatawa.
“Ang natutunan ko kay Lovi ay ‘yung pagiging professional, kumbaga akala ko professional na ako, mas nakita ko pa ‘yung pagiging professional ni Lovi,” aniya pa.
DURING THE PRESS CONFERENCE OF "wokeuplikethis" movie under Regal Films Narito na ang bagong pasabog ng dalawang tambalang Vhong Navarro at Lovi Poe may hatid na saya at kilig isang comedy movie na ang hatid ay makapabigay kasiyahan sa mga manonood . Abangan sa August 23 showing na ang pelikulang WOKE UP LIKE THIS sa diresyon ni Joel Ferrer,kasama din sa nasabing movie sina Bayani Agbayani, Cora Waddell, Dionne Monsanto, Yanna Assitio, Raikko Matteo.

Huwag kaliligtaan panoorin ang back to back na saya at kiliti na tiyak na swak na swak sa panlasa ng bagong henerasyon sabi nga ni katotong Jun Nardo  bagong putahe , pasiklab at very millenial ang dating ng kanilang komedya . Yun na!


Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment