Kasaysayan nang buhay na tinaguriang JUKEBOX QUEEN na si
Imelda Papin ang matutunghayan natin sa programang WAGAS sa GMA News TV sa Sept
9 at 7pm kung saan gagampanan ng aktres
na si Katrina Halili ang makasaysayang storya ng buhay pag ibig at tagumpay ng
nag iisang sentimental singer na tubong Bikolana at sumikat noong dekada
otsenta (Imelda Papin and Bong Carreon Love Story).
Para kay Katrina
maituturing daw umano niyang malaking karangalan ang pag po portray niya
sa sa buhay ng isang Imelda Papin na
nagpasikat ng mga awiting tulad ng "Bakit Ikaw Pa" ,
"Taksil" at "Isang linggong Pag-Ibig".
"Thankful po ako
sa apportunity na binigay nila sa akin na gampanan ang buhay ng Jukebox Queen
na si Tita Imelda.
"Actually first singer role ko po to ..medyo
kinakabahan kasi po hindi naman ako talaga singer pero binigay ko yung best ko
para sa istoryang ito.
"I am really flattered na naging bahagi ako ng istoryang
ito . Feeling ko napaka blessed ko dahil ako yung napili nila for this project
. Kasama ko rin po dito si RodJun Cruz at sa direksyon po ito ng aming magaling
na direktor na si Jeffrey Hidalgo.
"Very interesting po para sa bagong henersyon na nag
nanais na malaman o mapanood ang kanilang love story, abangan po natin ito sa
Sept 9 7Pm po."nakangiting pahayag ng aktres na si katrina.
0 comments:
Post a Comment