DAHIL sa super success ng pelikulang WOKE UP LIKE THIS,
nagpa Victory Party ang matriarch ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde
at ang anak nitong si Roselle Monteverde
para sa cast at press people na sumuporta sa nasabing pelikula na ginanap sa
District 8 last Thursday night. Siyempre happy ang mag ina at ang lahat ng nagsidalo sa naging
magandang resulta sa takilya ng nasabing pelikula. Tumataginting na 60 milyon
pesos ang kinita nito sa loob lamang ng isang linggo and still counting dahil
palabas pa rin until now at patuloy na pinipilahan sa mga sinihan. Sa nasabing
party present ang lahat ng cast tulad nina Cora Waddell, Yana Asistio,at ang
bibong bagito na si Raikko Mateo, Dionne
Monsanto, Bayani Agbayani at director Joel Ferrer at siyempre ang prime
comedian na si Vhong Navarro na bida sa nasabing pelikula . Bukod tanging
si Lovi Poe lang ang wala sa nasabing
party dahil nasa Paris France pero nag
iwan ito ng video message na pinanood ng lahat bago nagsimula ang events.
Nakisaya din siyempre ang very supportive na manager ni Vhong na si direk Chito
Rono. Hindi mailarawan ang saya ng mag ina sa tagumpay ng kanilang movie kaya
naman istimang istima ni Mother ang lahat at panay ang pasasalamat sa lahat
nang nag sidalo that night especially sa mga press people na nakipag loving
elbow kay Mother .
TO RECALL:
Sa unang showing ng pelikulang Woke Up Like This kumita agad
ito ng 5M php at dahil sa aliw at maganda ang reviews na nasabing pelikula
pumalo agad ito sa takilya sa loob ng limang araw nag earned ito ng 36 Milyon
pesos . Siyempre malaking bagay din ang suporta kay Vhong ng kanyang mga
kapamilya sa "It's Showtime"na inilaan ang buong show sa pag iimbita
para panoorin ang "WULT"sa unang araw ng showing nito. Sa loob ng one
week tumabo ito sa takilya ng 60 Milyon sa mga sinehan kaya waging waging si
Mother Lily . Congrats sa Regal entertainment Inc na patuloy na gagawa pa ng
mga pelikulang makabuluhan at matitino sabi nga ng Pr ng Regal na si Jun
Nardo "After “WULT”, abang-abang na
tayo sa coming movies ng Regal na “The Debutants”, “Recipe For Love”, “Haunted
Forest”, “This Time I’ll Be Sweeter” at “My Fairy Tail Love Story.” O diba iba
ka talaga Mother
Blogger Comment
Facebook Comment