GIL CUERVA SINULIT ANG HULING KISSING SCENE KAY JENNYLYN MERCADO



SINADYA ba o talagang nasa script ang naganap sa huling eksena ng kissing scene nina Gil Cuerva at Jennylyn Mercado sa final episode MY LOVE FROM THE STAR.Marami kasing kinilig lalo na ang libo libong fans nina GILJEN na  pinakita ng aktor kung papaano niya halikan na walang patumangga ang alaga ni Tita Becky.
"Hindi yun sadya ..yun po ay nasa script at sumusunod lang po ako sa sinasabi ng direktor."aniya.                                                              
Hindi maka move on amg mga tagahanga ni Gil sa pag laplap niya kay Jen sa final episode ng kanilang programa at hanggang kung ilang araw na nga ang limipas pero hanggang ngayon usapan pa rin sa SOCIAL MEDIA  ang mainit na tagpo sa ending ng nasabing programa.                
"Hindi naman po sadya yun nasa script po talaga yun .Tsaka dala lang po ng camera kaya parang medyo matagal yung kissing scene namin."aniya
Ngayong tapos na ang una niyang serye sa GMA sobrang ma mi miss daw umano ng kapuso heartthrob ang mga nakasama niya sa nasabing programa . Pero as of now wala  pang panibagong programa ang binata at dahil pahinga muna ang kanyang career mag po focus muna siya sa kanyang workshop para ma develop ang kanyang acting ability . Pagdating naman sa kanyang personalidad medyo marami pang gustong gawin si Gil sa kanyang sarili . " I Just want to improve myself,"aniya.
Ngayon divided ang kanyang panahon sa taping , workshop at siyempre sa kanyang pag wo workout dahil gusto niyang maging maganda kanyang katawan . Siguro sa pangalawang show ng binata makikita natin ang malaking pagbabago sa buhay ng isang GIL CUERVA malay natin sa kanyang pagbabalik ay new looks na siya at hopefully wala na ang kanyang longhair style.                     
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment