JHONG HILARIO HINA HARASS NG MGA VIEWERS NG FPJ "ANG PROBINSYANO"


"Bakit kaya ang harrass nila sa akin." ito ang reaction at comment ng aktor at councilor ng Makati na si Jhong Hilario sa kanyang personal account sa facebook . Although may halong pabiro  ang post na yun ni Jhong pero kung babasahin natin ang iba't ibang komento ng netizens na ipinost ni Jhong grabee at talagang matindi ang galit sa kanya ng mga taga subaybay ng programang FPJ Ang Probinsyano. Sa sobrang galit nila sa karakter ni Jhong bilang si Hommer aka Aladan halos isumpa na ng sambayanan ang buong pagkatao ng aktor. Sa kabila ng pagbatikos ng mga viewers sa alaga ni direk Chit Rono mas lalo pang pinagbubuti at pina iigting ng aktor ang galing sa kanyang karakter bilang si ALAKDAN na kinamumuhian ng sambayanan  .

Kahit karamihan halos negative remarks ang komento nila sa nasabing aktor marami rin namang pumupuri at humahanga sa galing ni Jhong pagdating sa aktingan. Isa lang naman talaga ang ibig sabihin nun , magaling talagang aktor itong si Jhong kung bakit apektado ang mga viewers sa role na ginagampanan nito sa top rating program ang FPJ Ang Probinsyano ng ABS CBN. Ganunpaman, kahit marami ang nagagalit sa karakter ni Jhong patuloy pa rin naman daw nilang susubaybayan at tatangkilikin ang nasabing serye . Paglilinaw lang , kung marami mang nagngingitngit kay Jhong hindi sa pagkatao ng aktor kundi sa kanyang karakter bilang ALAKDAN sa nasabing serye. Yun na!
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment