Si Janella Salvador ang itinuturing ni Mother Lily
Monteverde na pinaka bagong princess at Jewel ng Regal films. Ito ang first
initial reaction ng lady producer na si mother sa naganap na singing ng another movie contract ng aktres na si Janella kasama kanyang manager
na si Manny Valera at producer ng Regal Films nasi Mother Lily
Monteverde together with Roselle Monteverde sa pag renew ng panibagong kontrata
sa Regal Films. Sa kanyang bagong kontrata bukod sa "My Fairy Tail Love
Story " movie na ginagawa nang teen superstar apat pang pelikula ang nakatakda
niyang gawin sa kontratang kanyang pinirmahan. “Happy to renew my contract with
Regal and excited to make more films with them.”mabilis niyang tugon.
Sa nasbing pagtitipon kahit anong iwas ang gawin ng aktres
na hindi sagutin ang kontrobesya hinggil sa kanyang ina na si Jenine Desiderio
may mga press people pa din na hindi pinalampas ang pagkakataon na linawin ang
isyu sa pagitan nilang mag ina. May mga mensahe kasing pinawalan ang ina ni
Janella sa twitter na kesyo matigas ang ulo ng aktres kasabay din ng pagdawit
sa magandang loveteam nila ng kanyang leading man sa "My Fairy Tail Love
Story" na si Elmo.
“ I think ang problem lang talaga is I think mothers are
really protective when it comes to their children so whoever…kung sino man ang
lumapit diyan, gusto nila i-make sure na worthy and all.
“She’s just being a mother and she really wants to know him
or whoever man,’ aniya.
I dont wanna say any negative comment to my mom kasi alam ko
at naniniwala ako na everything will be okej in the end, she stil my mother
."seryosong sabi pa ni Janella
Hangga't maari ayaw nang sagutin pa ni Janella o mapag
usapan ang gulo sa pagitan nilang mag ina. Paulit ulit na pakiusap ng aktres.
"Ayoko nang lumaki pa yung isyu. In God’s time maaayos
naman ‘yan,"
Si Elmo Magalona ang
leading man ng aktres sa pelikulang "My Fairy Tail Love Story" kaya
naman hindi maiwasang na link si Janella sa aktor na ngayon ay nabibigyan ng
kulay ang kanilang magandang relasyon. Totoo nga kayang nagkakamabutihan ang
dalawa? Kailan daw kaya sila aamin.
“Aamin ba, wala naman kaming aaminin?”,mabilis na tugon ni
Janella.
"We are (…happily working together!No personal
relationship outside of work? “Of course meron naman, but in all honesty, we’re
not rushing to get into a relationship yet kasi ang priority namin talaga
ngayon is work.”
“Kahit na sa kabila
ng mga nagyayari ..same pa rin we are still enjoying our relationship so far in
work and even off-cam. Mas naging pamilyar na kami sa isa’t isa. It’s a
different experience talaga per project kasi nagtutulungan kami, we always make
it a point na natutulungan namin ang isa’t isa pagdating sa work. Kailangan
you’re good for each other and partnership.”
“Wala pong kissing
scene, I’m not ready yet for that, hindi pa rin time, baka in the future.”lahad
pa niya.
“Basta sobrang
nag-enjoy po talaga ako while doing the movie and hopefully talaga makapasok
siya sa Metro Manila Film Festival,”pagtatapos ng aktres
0 comments:
Post a Comment