Nang makapanayam namin ang isa sa lead ng pelikulang “The
Debutantes” na si Michelle Vito, may
halong saya naikinuwento niya sa min ang
mga naging karanasan niya sa pagpasok niya sa world of showbiz . Hindi nga raw
gawang biro ang mag artista na bagama’t
puro kontrabida ang nagiging role niya this time masasabi daw niya na nagbunga
na ang lahat ng kanyang pagti tiyaga dahil finally pinagkatiwalaan siya ng Regal Films na mabigyan
nang magandang break sa pelikulang The Debutantes na
ipalalabas sa October 4 sa mga sinihan.
“Im so really happy dahil heto na yung pinahihintay ko na
makagawa ng movie na masasabi kong lead role,” mabilis niyang sagot sa amin
“Thank you talaga sa Regal at isa ako sa mga napili nila na mapabilang na The
Debutants movie ..napakagandang movie na hindi lang horror kundi may hatid pa
itong good message sa lahat.
Si Michelle unang naging kontrabida sa teleseryeng “Aryana”
na piangbibidahan ni Meagan Young. May mga nagawa din siyang mga Tv show sa Channel 2 at naging part din ang
aktres sa horror movie na “Pagpag:Siyam na Buhay”.
This time , nag le level up na ang career ng aktres at unti
unti na siyang siyang nakakagawa ng sariling pangalan sa industrya lalo pat
marami ang nagsasabing malaki ang potensial ng aktres kung papasukin nito ang
larangan ng national beauty pageant like
Binibining Pilipinas. Ayon kay Michelle kaliwa’t kanan nga raw ang nag o
offer sa kanya na sumali sa beauty pageant pero hindi pa nga raw siya handa
dahil mas focus ang atensyon niya ngayon sa kanyang career bilang isang aktres.
“Actually, lagi po nilang sinasabi sa akin na sumali ako.
Ang dami pong namimilit sa akin na sumali ako ng Binibini kahit sina Sue, RM
(road managers) sa Star Magic. “Nung nanalo si Ate Megan (Young), na-feel ko na
gusto kong sumali, pero siguro hindi pa ngayon. Hindi ko kinu-close yung door
na puwede akong sumali ng beauty pageant, ganyan, pero hindi muna ngayon,”
“Siguro pag nag-twenty three ako o baka two years from now
baka mag-train ako, baka may chance. Basta hindi ko lang kino-close yung door
ko na baka sumali ako. Tsaka hindi pa ako ready na mag swimsuite ,"lahad
niya.
Blogger Comment
Facebook Comment