KEN CHAN MORETHAN FRIENDS DAW ANG TURING KAY BARBIE FORTEZA!


"Lagi kong nai imagine na sa tuwing nangangarap ako na magkaroon ng movie or music video si BarBie yu'ng lagi kong naiisip na maging partner. Kahit Pa noong hindi pa ako artista pangarap ko na talaga siya na makasama".

Sa pelikulang "This Time I'll Be Sweeter" ng Regal Films , nabigyang katuparan ang matagal nang pangarap ng guwapong aktor na si Ken Chan na makasama sa pelikula ang kanyang dating partner sa seryeng "Meant To Be". Kahit pa nga raw noong mga panahon na wala pa siya sa showbiz laging niyang naiisip o nai imagine niya na kung mabibigyan siya umano ng chance na makagawa ng movie or music video ang pipiliin niyang ka partner ay si Barbie Forteza.

"Hindi pa ako artista nun pangarap ko na siyang makasama. Kaya nung mag arista ako ..masayang masaya ako dahil naging partner ko siya sa "Tween Hearts" wish ko talaga yun",pag amin ni Ken nang makadaupang palad namin siya sa pictorial ng kanilang launching movie na "TTIBS".

"So after "Tween Hearts" medyo nalungkot dahil matagal kaming di nagkasama muli ni barbie hanggang sa nagkaroon uli kami ng serye after 5 years ..yun na nga ..yung "Meant To Be" .

"Pero kahit na ganun katagal na hindi kami nagsama that time naging magkaibigan na kami , napanatili namin yung magandang samahan namin sa isa't isa.

"Mas lalo pang naging malalim yun nung nagsama muli kami sa "Meant To Be"."

"At ngayon, siyempre happy ako dahil nakasama ko siya uli ..dito nga sa movie namin na This Time I'll be sweeter. Natupad yung mga dream ko".

This time hindi lang sa telebisyon natin mapapanood ang kanilang sweetest kundi matutunghayan na rin natin ang loveteam sa kanilang launching movie na "This TIme I'll Be Sweeter na handog siyempre ng Regal Film. Kaya ngayon palang excited na ang mga Kenbie supporters na mapanood ang kilig romace movie nina Ken at Barbie sa darating na November 8 nationwide.

"Magandang movie bagong story na never ko pang napanood sa ibang movie. Maganda maraming kabataan ang makaka relate sa pelikulang ito .

"Isa pa talagang maipagmamalaki mo dahil ang direktor ay si Direk Joel Lamangan. Although may pagka istrikto ..nakaka kaba pero so far malaking tulong para samin na makagawa ng isang movie na ang direktor ay yung kagaya ni direk Joel na mapipiga ka talaga! Masuwerte nga kami dahil unang movie namin si direk Joel agad humawak sa min ..nakaka flattered talaga!,"

Kung pinangarap ni Ken na makasama si Barbie , hindi ba niya pinangarap na mahalin ang kanyang ka loveteam na si Barbie? Posible nga raw bang mahulog ang loob niya sa kanyang ka loveteam sa nasabing movie.
"Pangarap ko din yun bakit hindi .siya yung tipong hindi mahirap mahalin. Nasa sa kanya na lahat yung hahanapin mo sa isang babae. Hindi siya maarte what you see is what you get. Siya yung masasabi ko na kapag minahal mo wala ka ang ibang hahanapin pa. Kahit hindi kami mag-on, pero mararamdaman mo na girlfriend mo siya sa pag-aalaga niya. Pagiging sweet, caring niya sa leading men niya.

"Pero sa ngayon hindi pa namin iniisip yun dahil mas nag e enjoy pa kami sa ganinawa namin. Seven years na kaming magkakilala't mag-kaibigan... we will see na lang what gonna happen. Sana nga!".

May hugot pang dagdag ang aktor about Barbie bago natapos ang aming panayam, aniya na kung ikukumpara niya sa pagkain si Barbie maihahambing niya sa isang Ice Cream na habang tumatagal ay lalong sumasarap at tumatamis. Ganun?     
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

1 comments:

  1. Yieh! Nakaka-excite pa lalong manood ng TTIBS.

    ReplyDelete